Pinag-Uusapan Ngayon sa Social Media ang Pamangkin Ni Nico Bolzico na Si Josefina Bolzico Dahil sa Kahangahanga Nitong Ganda

Maliban sa mister ni Solenn Heusaff na si Nico Bolzico , ay isa naman ngang Bolzico ngayon ang nakikilala ng publiko dahil sa pagiging agaw-pansin nito ngayon sa online world. Ito nga ay walang iba kundi ang napakagandang pamangkin ni Nico na kinilalang si Josefina Bolzico.
Si Josefina ay ang dalagang pamangkin ni Nico Bolzico na piniling sumunod sa kanyang Uncle dito sa bansang Pilipinas upang i-pursue niya ang kanyang modelling career. Ayon sa mga lumabas na ulat, si Josefina ay nakaperma ng kanyang kontrata bilang modelo sa Chameleon International Models Management.

Photo credits to the owner
Anim na taong mamalagi sa Pilipinas si Josefina, ito ay dahil sa kagustuhan niyang palawigin pa ang kanyang pagiging isang modelo.
Tunay namang kahanga-hanga ang angking kagandahan at kaseksihan ni Josefina, dahil sa edad niyang 20-taong gulang ay taglay niya ang vital statistics na 34-25-35, idagdag pa ang pagkakaroon niya ng mahabang biyas kung kaya naman siya ay may taas na 5’6 na bagay na bagay naman talaga bilang isang modelo.

Photo credits to the owner
Taong 2016 pa nga ng pumirme sa Pipilinas si Josefina, at tulad ng ibang mga banyaga, ay isa rin siya sa mga napa-ibig sa mga beaches sa ating bansa.
Makikita nga sa isang IG post noon ng dalaga ang pagbabahagi niya ng kanyang saloobin, kung saan ay kanyang sinabi na nararamdaman niya sa kanyang sarili na sa bansang Pilipinas talaga siya nararapat, lalo na’t damang-dama niya ang kaligayahan magmula nga ng dumating siya sa bansa.

Photo credits to the owner
“Every day I am more convinced that the Philippines is where I belong. Its people males this country the best place I have been! I am so happy to be here!”, ani Josefina sa kanyang IG post.

Photo credits to the owner
Maliban sa pagiging isang modelo ay napag-alaman rin natin na ngayon ay isa na ring endorser ng sikat na brand na Human L’Officiel Manila si Josefina. Matatandaan rin na noong taong 2018 ay napasabak na ang pamangkin ni Nico sa ginanap na Bench Fashion Week kung saan ay kanya ngang ibinandera ang taglay niyang kaseksihan at kagandahan na talaga namang umani ng papuri at paghanga sa marami.

Photo credits to the owner
Sa mga larawan naman ni Josefina na kanyang ibinahagi sa online kung saan ay makikita nga ang napakaganda niyang mukha at taglay na kaseksihan ay masasabi naman talaga na kasing ganda niya ang misis ng Uncle niyang si Nico na si Solenn Heusaff na isa ring kilalang modelo at aktres sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *