“Our Love Is The Sweet Spot Of Being”: Roxanne Barcelo, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanyang Napakagwapong Asawa at Ama Ng Kanyang 7 Month-Old Baby Boy

Ang aktres at singer na si Roxanne Barcelo ay ginulat ang publiko matapos niyang ianunsiyo noong Disyembre 2020, na siya ay ikinasal na sa isang misteryosong lalaki na bumihag ng kanyang puso. Ngunit, hindi nagbigay ng anumang pagkakakilanlan si Roxanne tungkol sa kanyang asawa.

Photo credits to the owner

Tila naman handa nang ilahad ni Roxanne sa publiko ang kanyang personal na buhay. At sa pagdiriwang nga ng 2nd wedding anniversary nila ng kanyang asawa ay sinimulan na niyang ipakilala ito sa publiko. Sa Instagram nitong nakaraang Nobyembre 21, 2021 ay ibinahagi ni Roxanne ang larawan kasama ang kanilang baby boy na si Cinco. Ngunit, mapapansin sa larawan na hindi parin ipinakita nang malinaw ni Roxanne ang mukha nito.

Ang nasabing larawan ay nilakipan naman ng aktres ng sweet na caption at base sa captio ay dalawang taon na nga silang kasal. Kapansin-pansin naman sa kalakip na hashtag, na tila clue ito tungkol sa detalye ng kanilang pag-iisang dibdib.

Photo credits to the owner

“Happy Anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait,” saad ni Roxanne na sinamahan pa ng Wo ài ni o salitang Mandarin na ibig sabihin ay “I love you”.

“#ThePandas #halloween #Christianwedding #anniversarydate #Taiwan2019 #weirdosstrongtogether.”

Nitong ika-22 ng Disyembre, isang buwan lamang ang lumipas ay muling nagbahagi ng larawan si Roxanne. Ngunit, sa pagkakataong ito ay malinaw nang masisilayan ang gwapong mukha ng kanyang asawa na tinawag niyang “Jiggs”. Sa caption naman ng kanyang post ay damang-dama ang pagmamahal ni Roxanne sa kanyang asawa. Ipinahayag rin ng aktres ang kanyang labis na pasasalamat sa pagdating nito sa buhay niya.

Photo credits to the owner

“When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait. It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs.”

“I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and dababycinco with all that I am.”

Pagsapit naman ng New Year’s day, ay nagbigay pa ng mas detalyadong impormasyon si Roxanne tungkol sa kanyang asawa. At ayon nga sa aktres ay nagkakilala sila noong 2019 sa Taiwan kung saan ay na “love at first sight” sila sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

“I met Jiggs’ family 2 years ago in Taiwan. I instantaneously fell in love with his lovely parents and his super fun siblings. It was fam love at first sight.”

Sa kabuuan ng kanyang post, ay ibinahagi niya ang walang kapantay na saya na hatid ng kanilang anak na si Cinco na ngayon ay 7 month-old na. At si Baby Cinco nga ang greatest gift na kanilang natanggap noong taong 2021.

“Two years later, I now realize it is pure grace that led me to where I am today. I am grateful to be alive!!! And I am beyond blessed to be part of such a wonderful family. Cinco is so fortunate to share this time with his grandparents, uncles and aunts who love and care for him so much.”

Photo credits to the owner

“2021 was personally quite challenging and yet, very fulfilling as our baby is the greatest gift. Ending this year with our loved ones makes it all even better. Life isn’t perfect but you can love and be loved through it all. Let’s keep our hearts and minds open to the blessings this new year may bring.”

Hindi naman natatapos ang pagpost ni Roxanne tungkol sa kanyang asawa at sa masaya nilang relasyon. Sa unang araw pa lamang nga ng taong 2022, ay isa nang nakakaantid na mensahe ang ipinaabot ni Roxanne sa kanyang asawa.

“Thank you, my mahal, for holding my hand and dancing through life with me! You are the moon to my river and the whirl to my wind…Cheers to the rest of our lives together.”

Photo credits to the owner

Matatandaan naman na sa isang vlog ni Roxanne noong April 2021, ay nakasama niya si Jiggs ngunit hindi pinakita ng aktres ang mukha nito. At sinagot nga ni Roxanne ang tanong ng kanyang mga viewers na si Jiggs ay ipinanganak sa Hongkong at nanirahan doon ng ilang taon. Ngunit, nagpasya ang kanilang pamilya na manirahan sa Taiwan.

Photo credits to the owner

Base naman sa latest post ni Roxanne ay masaya nilang ipinagdiwang ang holiday season sa California kasama si Baby Cinco. At makikita na kasama nila ang pamilya ni Jiggs kung saan nga ay doon sila naninirahan ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *