Ogie Diaz, Prangkang Tinanong ang Aktor na Si Paul Salas sa Relasyon Nito Noon sa Aktres na Si Barbie Imperial

Kamakailan lamang ay naging panauhin ang Kapuso actor na si Paul Salas sa vlog ng manager at batikang entertainment reporter na si Ogie Diaz. At agad na naging trending sa social media ang naging panayam ni Ogie sa aktor.

Photo credits to the owner

Sa panayam ni Ogie sa Kapuso actor na si Paul, ay walang sabi-sabi at diretsahan niya itong tinanong tungkol sa mga kinaharap nitong isyu noon sa naging hiwalayan nila ng dating nobya nitong si Barbie Imperial.

Matatandaan na naging magkasintahan noon sina Barbie at Paul, ngunit ang kanilang relasyon ay nauwi sa hiwalayan, at hind inga naging maganda ang pagtatapos nila, sapagkat may lumabas na mga ulat noon na kaya umano humantong sa paghihiwalay ang kanilang relasyon ay dahil sa pisikal nga umanong sinasaktan ng Kapuso actor ang kanyang dating nobya.

Photo credits to the owner

Taong 2018 ng maghiwalay sina Paul at Barbie, at nagbahagi rin noon ang aktres ng kanyang mga larawan kung saan ay mayroon nga siyang mga pasa, at dito na nga umugong ang balita na siya ay pisikal umanong sinasaktan ng Kapuso actor.

“Ang daddy mo rin ba ang naisip mo nung hindi namin naringgan si Paul na sumasagot dun sa issue ni Barbie Imperial”, ang naging katanungan ni Ogie kay Paul sa naging pagbubukas nga ng usapin patungkol sa isyu na kinasangkutan nito noon sa hiwalayan nila ng dating nobya.

Photo credits to the owner

“Na parang ang conclusion nung iba, dahil nagpakita ng mga pasa si Barbie, eh sinaktan mo siya physically”, dagdag pa nga ni Ogie.

Ayon naman sa naging sagot ni Paul, noong mga panahon na lumabas ang naturang isyu ay una niya talagang naisip ay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga magulang na nainis umano sa isyu dahil batid nga ng mga ito na hindi nila siya pinalaki na ganun.

Photo credits to the owner

“Naisip ko po kina dad nun kasi, nag-aalala ako sa kanila kasi sila po yung inis na inis. Kasi alam po nilang hindi ako pinalaking ganun, kaya rin sila inis na inis kasi wala rin silang magawa”, ani Paul.

Photo credits to the owner

Pagbabahagi pa niya, dahil mas gusto niya na sarilinin lamang ang problema nila ni Barbie ay mas pinili niyang manahimik ukol sa isyu na ibinabato sa kanya. Ngunit mariin niyang itinanggi sa panayam sa kanya ni Ogie na sinasaktan niya ang dating nobya.

“Pinili ko talagang hindi magsalita kasi minahal ko yun eh. Kung ano man naging problema naming, gusto ko sa akin na lang yun.”

Photo credits to the owner

Sabay tanong ni Ogie na, ‘But you never hit her?’.
At malinaw ang naging kasagutan ni Paul na hindi sila nagkakasakitan noon ni Barbie.
“Never po. Hindi po kami angkakasakitan ni Barbie.”
Sa huling bahagi naman ng panayam ay sinabi ni Paul na ngayon ay maayos na rin naman ang relasyon nila ng dating kasintahan dahil tila unti-unti na bumabalik ang kanilang pagiging magkaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *