Napakaganda At Fresh Na Fresh Na Awra Ni Melai Cantiveros, Pinag-uusapan Ngayon Sa Social Media

Humakot kamakailan ng paghanga mula sa mga netizens ang mga larawan ng komedyante at TV host na si Melai Cantiveros kung saan masisilayan ang kanyang napakaganda at fresh na fresh na awra ngayon.

Credits: Melai Cantiveros | IG

Si Melai ay produkto ng reality show na Pinoy Big Brother kung saan nga siya ang nagwagi sa Pinoy Big Brother: Double Up season. Mula sa kanyang pagkapanalo ay talaga namamg umarangkada ang karera ni Melai at hanggang ngayon nga ay patuloy itong namamayagpag. Sa ngayon ay isa si Melai sa mga host ng morning talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay.

Nasaksihan na ng kanyang mga tagahanga kung paano niyang naabot ang tagumpay. Sa loob palang nga bahay ni Kuya ay nabihag na ni Melai ang puso ng publiko dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa at pagiging totoo na hanggang ngayon ay dala-dala parin niya.

Credits: Melai Cantiveros | IG

Maliban sa pag-angat ng kanyang karera ay nasaksihan rin ng marami ang unti-unting pagbabago sa kanyang anyo. At kamakailan lamang nga, ay agaw pansin ang mga larawan ni Melai sa social media matapos masilayan ang kanyang new look na talaga namang napakaganda at fresh na fresh ang awra.

Sa mga larawang ibinahagi ni Melai sa kanyang Instagram ay kitang-kita ang kanyang blooming look. Ang nasabing larawan ay kuha sa set ng Magandang Buhay, at masisilayan nga sa larawan ang taglay na kagandahan ni Melai habang suot ang puting damit at kahit naka-face shield ay litaw parin ang kanyang ganda.

Credits: Melai Cantiveros | IG

Hindi naman maikakaila na nagustuhan ng mga netizens ang new look ni Melai na mas lalong gumanda sa kulay blonde niyang buhok. Talaga nga namang mas lalong gumanda si Melai kung saan ay bumata at fresh na fresh ang dating.

Sa hiwalay namang post ni Melai ay makikitang nakasuot siya ng isang napakagandang maxi dress na gawa sa lace kung saan binagayan naman niya ng ratan bag at high heels. At kung pagmamasdan nga ay tila isang modelo si Melai sa kanyang suot na napakagandang OOTD.

Credits: Melai Cantiveros | IG

Marami ang talagang humanga bagong look at napakagandang awra ni Melai ngayon dahilan nga upang dagsain ng komento ang kanyang post. Sa taglay na ganda ni Melai ngayon, ay talaga namang aakalain na isa siyang bagets at wala pang anak. Hindi rin naman maikakaila na bagay na bagay sa kanya ang anumang damit na kanyang isuot.

Credits: Melai Cantiveros | IG

Sa ngayon ay masayang-masaya naman ang buhay ni Melai kapiling ang kanyang asawang si Jason Franscisco at dalawa nilang anak. Ang kanilang pag-iibigan na nagsimula sa loob ng Bahay ni Kuya ay nauwi sa pag-iisang dibdib na naganap noong December 2013.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *