“Naku lagot baka tayo talaga”: Birthday Message Ni Moi Bien Kay Piolo Pascual, Kinaaliwan Ng Mga Netizens

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging malapit ng aktor na si Piolo Pascual sa kanyang personal assistant na si Moi Bien. Madalas nga nilang ibahagi sa social media ang kanilang mga larawan na talaga namang napakasweet na nagpapatunay nga ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

Kaya naman, sa pagsapit ng ika-45th birthday ni Piolo ay isang nakakatuwang pagbati ang ipinaabot ni Moi Bien sa kanyang boss kung saan ay kinaaliwan ng maraming netizens.

Kalakip ang larawan na sila’y magkasama ni Piolo ay ibinahagi ni Moi ang kanyang mensahe ng pagbati. At sa kanyang Instagram post nga, ay sinabi nitong kapag umabot na sa edad na 50 ang aktor at wala pa ring babaeng nagiging nobya, ay baka raw sila talaga ang itinadhana sa isa’t isa.

“Happy birthday my Mayor youre the best!! and your the yummiest, the yummyer? Hehehe. I love you beri beri Much!! Ikaw lang yung habang tumatanda lalong sumasarap!! ahahaha!”

“Pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old kana!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha happy birthday.”

Bagama’t, pabiro ang naging pagbati ni Moi kay Piolo ay mababakas naman sa mensahe nito na masaya at mahal niya ang kanyang amo na matagal na niyang kasama.

Marami namang netizens at tagahanga ang natuwa sa mensahe ng pagbati ni Moi. Ang ilan nga ay sumang-ayon pa sa biro niya na baka sila talaga ang nakatadhana sa huli. Mababasa nga sa comment section ang mga pagbati at reaksyon ng mga netizens.

“Happy birthday the pogiest Papa P.”

“Happy birthday Papa P! I wish that your 2022 may be filled with many blessings and good health. Miss na kita!”

“Happy b-day may ex husband kht sa panaginip lang my wish is always safe and good health…love u more.”

May ilan ring celebrities ang nag-iwan ng komento sa nasabing post ni Moi para batiin si Piolo.

Mensahe ni Allan K, “Happy birthday Papa P!”

Sabi naman ng film producer na si Neil Arce, “Bata pa lang ako pinapanood ko na yan.”

Tunay na kapamilya na nga ang turing ni Piolo sa kanyang personal assistant na si Moi, at maging sa anak ng aktor na si Inigo Pascual ay malapit rin ito. Sa tagal nga ng kanilang pinagsamahan ay naging loyal at hindi umalis sa tabi ng aktor ni Moi kahit nga isa na rin itong kilalang komedyante sa industriya ng showbiz. Hanggang ngayon nga, ay personal assistant parin ni Piolo si Moi at patuloy ring tinutulungan ang aktor sa mga gawaing bahay.

Matatandaan sa isang panayam kay Moi, na nangako siyang hindi niya iiwan si Piolo kahit na sumikat pa siya sa pag-aartista. At naibahagi rin ni Moi na kaya niyang isakripisyo ang lahat para kay Piolo.

“Hindi talaga. Nandu’n pa rin yung communication namin. Kung may time ako, tutulong ako, ayun po. Ayoko po nu’ng iiwanan siya kasi ang laki ng utang na loob ko du’n sa tao, wala akong masabi sa kabaitan niya. Yung communication namin, yung ano naming dalawa, naroon pa rin.”

“Ako, ginawa ko na! Oo, kasi matagal na ako sa kanya, e. Kumbaga, para sa akin, kaya kong ipagpalit yung kaligayahan ko para… alam mo yung ganu’n? Para sa kanya.”

“Like kunwari imbes na mag-day off ako or mag-ano ako, uunahin ko muna yung trabaho ko kasi gusto ko maayos muna lahat bago ako, bago ang sarili ko. Ganu’n!” pahayag pa ni Moi Bien.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *