Bagong post ni Dawn Zulueta sa social media, muli na namang nagpatunay na sa edad niyang 52-taong gulang ay wala pa ring kakupas-kupas ang taglay niyang kagandahan.
Muli na naman ngang umani ng maraming papuri mula sa mga netizens ang beteranang aktres na si Dawn Zulueta, ito nga ay matapos niyang magbahagi sa kanyang Instagram page ng mga kumpol ng larawan kung saan masisilayan ang kanyang mga ballerina pose, at siya pa nga ay nakasuot din ng pang ballerina outfit.
Photo Credits: Dawn Zulueta| IG
Kalakip ng kumpol na mga larawan niyang ito na ibinahagi ni Dawn, ay ang caption nga niya kung saan kanyang inihayag kung paano nakakapagbigay kapayapaan at kung gaano siya naliligayahan kapag siya ay nagsasayaw ng ballet.
“I get happy when I dance, and ballet makes me feel peaceful”, ani Dawn sa caption.
Dagdag pa ng beteranang aktres, may magandang dulot din sa kanyang kalusugan at pangangatawan ang pagsasayaw niya ng ballet. Ito nga ay dahil nakakapag-increased ito ng flexibility, nagi-improved ito ng stamina, nakakabawas ng timbang, at nakakabalanse din ng kanyang isipan. Nakakatulong din umano ang pagsasayaw niya ng ballet sa pag-stabilized ng kanyang mood at maging sa pag-relief niya sa sakit ng katawan.
Photo Credits: Dawn Zulueta| IG
“I have increased flexibility, improved stamina, help with weight loss, and balance state of mind. All the ‘happy brain chemicals’ I derive from dancing ballet help to stabilized my mood and gives me relief from body aches.
Bumuhos naman kaagad sa comment section ng post na ito ni Dawn ang napakaraming papuri sa kanya ng mga netizens. Ang iba nga ay nagpahatid ng kanilang paghanga sa aktres, dahil sa kabila nga ng edad nitong 52, ay talaga namang tila edad lamang nito ang tumatanda at hindi ang pisikal nitong hitsura sapagkat sa kabila nga ng edad nito ay nanatili ang taglay nitong kagandahan.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
Photo Credits: Dawn Zulueta| IG
“Beautiful ballerina! Bakit hindi ka po mukhang 52? Parang 25 lang e”
“grabe yung first pic parang yung nasa music box. Btw ang ganda niyo po.”
“Wala ka pa ring kakupas kupas IDOL! Napakaganda mo pa rin.”
“ageless beauty”“How multi talented mo Ms Dawn, sana all! You have preserved your great beauty.”
Photo Credits: Dawn Zulueta| IG
Kilala ng lahat si Dawn Zulueta bilang isang award-winning actress, mahusay na endorser at host. Ilan sa mga recent films na kanyang pinagbidahan kung saan muli nga niyang ipinamalas ang kahusayan niya sa pagiging isang beteranang aktres ay ang Love Me Tomorrow at The Love Affair.
Photo Credits: Dawn Zulueta| IG
Matatandaan din na isa si Dawn sa mga aktres sa showbiz na may taglay ng pinakamagandang mukha na talaga namang hindi kumukupas kahit ilang taon na ang lumipas mula ng kanyang kabataan.