Matapos ang ‘Viral Closure’ Ryan Bang at Yeng Constantino May Naging Palitan ng Heartwarming Tweets

Makalipas ang labing dalawang taon, Ryan Bang at Yeng Constantino nagkaroon ng hindi nila inaasahang ‘closure’ on-air, ito nga ay dahil sa naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng noong taong 2010. Ryan Bang, tila nga ‘TOTGA’ o ‘The One That Got Away’ ni Yeng.

Photo Credits: Ryan Bang| IG

Nito lamang nakaraang ika-28 at ika-29 ng Enero taon ng kasalukuyan, ay naibunyag sa publiko ang naging panliligaw ni Ryan Bang sa singer-songwriter na si Yeng Constantino na hindi nga alam ng publiko. Ito nga ay matapos na mabanggit ni Yeng ang pangalan ni Ryan habang siya ay nagkokomento sa naging karanasan sa pag-ibig ng isang kalahok ng segment Tawag ng Tanghalan ng programang It’s Showtime.

Photo Credits: Ryan Bang| IG

Ayon nga kay Yeng ay matapos ang panliligaw ni Ryan sa kanya, kung saan ay hinahatidan nga umano siya nito ng ‘kape’ na kinakikiligan niya naman nung mga panahon na ‘yon, ay bigla na nga lamang umanong hindi nagparamdam si Ryan. Nilinaw din ng singer-songwriter na hindi niya binasted si Ryan, at ito nga umano ang bigla na lang hindi nagparamdam.

“Minsan kahit hindi mo nga naging jowa eh basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala. Naku! Napakasakit talaga, ‘di ba Ryan? Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape. Feeling ko maswerte ang magiging jowa nito kasi napakalambing talaga,” nakangiting kwento ni Yeng.

Photo Credits: Ryan Bang| IG

Sa kabila nito, dito na nga nagkaroon ng pagkakataon si Ryan na maipaliwanag ang ‘side’ niya, kung ano ng aba ang tunay na nangyari at bakit huminto siya sa pagliligaw kay Yeng.
Kuwento ni Ryan, inakala nga niya na hindi siya gusto ni Yeng. Dagdag pa niya, nakadama din siya noon ng tila minamaliit niya ang kanyang sarili, lalo na’t nang mga panahon na ‘yon ay aminado siyang sikat na sikat si Yeng ng mga panahon na ‘yon at siya naman ay hindi pa kilala sa mundo ng showbiz.

Photo Credits: Ryan Bang| IG

“Akala ko ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yon gumigimik kami, kasama ko sina James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas. Kaya akala ko ayaw niya sa akin tapos sumasama kay Richard Poon, sa ibang lalaki. ‘Yon pala prayer meeting sa Tagaytay. Akala ko nag-outing sila,” masayang kwento naman ni Ryan.

“Yeng pasensya na, dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka-unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yon,” pagtatapat ni Ryan.

Photo Credits: Ryan Bang| IG

Dahil nga sa pagbubukas ng usapin na ito sa naudlot na panliligaw noon ni Ryan kay Yeng, makalipas nga ang labing dalawang taon ay nagkaroon na ng closure ang dalawa, at nalinawan na sila kung ano nga ang nangyari noon.Agad namang nag-trending ang romantic history na ito nina yeng at Ryan, kung saan ay talagang maraming mga netizens ang hindi napigilan ang manghinayang. Ang iba naman ay kinilig, at may ilan na naka-relate sa kuwento ng dalawa.
Matapos namang mag-trending, ay kumakalat naman ngayon online ang naging palitan nina Yeng at Ryan sa Tweeter ng heartwarming tweets.

Photo Credits: Ryan Bang| IG

“Ryan, ‘Ayan ah. Venti na hindi na yung grande.’ Hahahahha!!!!! Thanks Ryan! @ryanbang”, ang naging pagbabahagi nga ni Yeng kalakip ang larawan nila ni Ryan.

Sa post nga ni Yeng ay inilahad niyang kay Ryan galing ang kape na kanyang hawak sa larawan, at sa pagkakataon nga na ito ay Venti na ang ibinigay sa kanya nito at hindi na grande. Sinagot naman ito ni Ryan, at sinabi nga niyang, ngayon ay nakakabili na siya ng Venti seze ng kape, at soon nga umano ay yayain niya ng dinner si Yeng.

Heto naman ang naging kasagutan ni Ryan, “Kaya ko na ngayon ang Venti size hehe bawi ako sayo dinner tayo soon! Always keep safe Yeng!”.
Na sinagot pa nga ng singer-songwriter ng tweet na ‘game’ siya kapag nagyayang mag-dinner si Ryan, “Game ako dyan! Stay dafe din Ryan!”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *