Maliit na Cookie Business, Nakatulong sa Pagtupad ng Pangarap ng 22 Anyos na Negosyante na Gawing Napakagandang Kwarto ang Dating Storage Room na ito

Marami na ang naging matagumpay dahil sa mga maliliit na negosyo. Ang iba ay nakapag-ipon samantalang ang iba naman ay nakapagpundar ng bahay o nakabili ng iba’t ibang ari-arian. Ngunit para sa 22 taong gulang na si Daeron Carlo Pabiloña, nakatulong ang kaniyang cookie business na Everydae Indulgence sa pagtupad ng kaniyang simpleng pangarap na maayos ang kanilang storage room at magawang kwarto at mini-office.

Nagsimula lang ang pagbebake ng cookies ni Daeron bilang isang libangan. Bagamat hinihikayat siya ng kaniyang mga kaibigan na magtayo ng maliit na negosyo, hindi niya pa rin magawa ito. Mayroon din siyang trabaho noon kaya naman kung minsan ay tinutulungan na lang niya ang kaniyang nanay sa sarili nitong negosyo.

Ngunit noong nagsimula ang pandemiya, napagtanto niya na gusto niya talaga ang pagbebake. Dahil dito, nagresign siya sa trabaho para simulan ang kaniyang cookie business. Gamit ang kaniyang ₱2,000 na kapital, nakapagbenta siya ng cookies na may iba’t ibang flavour. Nakilala rin siya sa social media at nagkaroon ng maraming followers. Nakapag-ipon din si Daeron noong naging maayos ang kaniyang kita.


Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Dahil dito, nakapagsimula na rin siya sa kaniyang proyekto. Ayon kay Daeron, ang storage room ang pinakamaliit na kwarto sa kanilang bahay ngunit magagamit niya ito bilang kwarto at mini-office.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Dahil nagsisilbing storage room ito ng pamilya, kinailangan niya munang linisin ang kwarto. Humingi rin siya ng tulong sa isang architect upang makapag-design ng “Tagaytay cabin look” para sa kwarto.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Tumulong din ang kaniyang tatay sa ilang mga gawain para sa kwarto. Matapos ang ilang araw ng pagtatrabaho ay natapos rin ang proyektong ito. Ayon kay Daeron, dahil sa maliit at limitadong espasyo ng kwarto, nagpagawa siya ng isang loft bed. Sa ilalim nito ay ang kaniyang opisina habang ang mga hagdan nito ay ginawa niyang cabinet para sa kaniyang mga damit.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Mayroon din siyang sofa bed, floating shelf, at mesa. Ang buong kwarto ay mayroon ding dagdag na mga ilaw para sa kaniyang opisina. Pininturahan din ng puti at asul ang mga dingding na bagay naman sa mga dekorasyon na gawa sa kahoy.

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Photo credits: Daeron Carlo Pabiloña | Facebook

Dahil sa mas maaliwalas at komportableng opisina ni Daeron, siguradong makakapagtrabaho siya nang maayos para maging mas maunlad pa ang kaniyang negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *