Kilalanin Si Sophia Delas Alas, Ang Napakagandang Anak Ni Aiai Delas Alas Na Lumilikha Na Ng Sariling Pangalan Sa Showbiz

Sa industriya ng showbiz ay maraming mga kilalang personalidad ang lumikha ng kanilang pangalan dahil na rin sa taglay nilang talento. At kung ang pag-uusapan nga ay husay pagdating sa komedya ay nangunguna riyan si Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan o mas kilala ng lahat bilang si AiAi delas Alas. Dahil siya lang naman ang binansagang Comedy Queen sa insdustriya ng showbiz.

Credits: Sophdelasalas | IG

Maliban naman sa pagiging isang mahusay na komedyante, ay isa ring responsable at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak si Aiai. Si Aiai ay nagkaroon ng tatlong anak sa mga lalaking kanyang minamahal. Dalawa ang kanyang naging anak sa kanyang dating asawa na si Miguel Vera at isa naman kay Hernan Jeng Jeng Viola.

Hindi naman maikakaila na isang proud mommy si Aiai sa kanyang unica hija na si Sophia Delas Alas na anak ng komedyante sa kanyang dating asawa na si Miguel Vera. Si Sophia ay gumagawa na rin ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz. Dahil nga isang mahusay na artista ang kanyang inang si Aiai ay hindi na nakapagtataka kung magmana siya sa kanyang ina.

Credits: Sophdelasalas | IG

Taglay nga ni Sophia ang ganda at talento na hinahanap ng publiko sa mga artista. Kahanga-hanga naman talaga ang taglay na ganda ni Sophia, pati na rin ang kanyang magandang hubog ng katawan ay hindi magpapahuli pagdating sa paseksihan. Aktibo rin sa social media si Sophia kung saan makikita ang kanyang mga magagandang larawan.

Ipinagmamalaki rin talaga ni Aiai ang kanyang unica hija dahil bukod sa taglay nitong ganda, ay kahanga-hanga rin ang taglay nitong katalinuhan kung saan nga ay nakapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo sa De La Salle University sa kursong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education.

Credits: Sophdelasalas | IG

Matayog rin ang pangarap ni Sophia na maging isang sikat na artista sa showbiz. At tulad nga ng kanyang ina, ay hilig rin ng dalaga ang magperform sa stage upang ipamalas ang kanyang taglay na talento. Sa ngayon, ay napapanood na sa ilang GMA shows si Sophia katulad na lamang nga ng Sunday Pinasaya at ilang pelikula gaya naman ng Sons of Nanay Sabel at ‘Feelenial’.

Credits: TheLasallian

Sa taglay naman na talento at kahanga-hangang kagandahan ni Sophia ay napaibig niya ang kanyang boyfriend na si Vince Bautista at ngayon nga ay engaged na sila. At makikita sa kani-kanilang social media ang kanilang sweet photos kung saan masisilayan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Ngunit, hindi lamang panlabas na anyo ang maganda kay Sophia dahil taglay rin niya ang mabuting kalooban. Sa katunayan nga nito, ay hindi nakakalimutan ni Sophia ang tumulong at magbahagi ng biyaya sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *