Kilalanin si Magui Ford ang Napakaganda at Napaka Talinong Anak na Babae ni Karla Estrada na Nakapasok sa Top One Unibersidad sa Australia

Tila nga nasa dugo na talaga ng aktres at TV host na si Karla Estrada ang magandang lahi. Hindi na nga ito nakapagtataka dahil ang anak niyang si Daniel Padilla na isang sikat na aktor, ay talaga namang napakagawapo.

Ngunit, maliban pala kay Daniel ay may babaeng mala-artistahin sa gandang anak si Karla. Ito nga si Margaret Ford Planas na anak ni Karla sa dating Quezon City Councilor na si Mike Planas. Sa taglay na ganda nga ni Magui ay hindi maikakaila na nagmana ito sa kanyang ina.

Photo credits: magsford | IG

Ipinagmamalaki rin ni Karla si Magui, dahil bukod sa taglay nitong ganda, ay matalino rin ang anak niyang ito. Marami nga ang humanga nang malaman na nakapasok ito sa isang napakagandang paaralan sa Australia. At dahil nga hindi lamang ito basta-bastang eskwelahan, ay talagang proud na proud si Karla nang ibahagi sa social media ang tagumpay na ito ng kanyang anak. Ang nasabing paaralan kasi na siyang papasukan ni Magui sa kolehiyo ay tinaguriang “Australia’s number one university” ang University of Melbourne.

Photo credits: magsford | IG

Photo credits: magsford | IG

Talaga namang hahangaan si Magui, dahil hindi lamang siya beauty and brains kundi taglay rin ang napakaraming talento. Katulad na lamang nga ng pagpapatugtog ng iba’t ibang instrumento gaya ng piano at gitara.

Photo credits: magsford | IG

Photo credits: magsford | IG

At gaya rin ng kanyang Kuya Daniel, ay mahilig rin si Magui na magsulat ng kanta. Kaya naman, bilang isang ina ay hindi rin maitago ni Karla ang kanyang pagiging proud mom.

Mahilig din si Magui sa TikTok at KPop music na talaga namang isang tagahanga ng BTS. Sa katunayan nito ay tinatawag niyang BTS army ang kanyang sarili. Bagama’t, marami siyang nais gawin sa kanyang mga hilig at libangan ay tinitiyak naman ni Magui na hindi niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan nga nito, ay mataas ang gradong nakukuha ni Magui sa paaralang kanyang pinapasukan.

Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay nagtapos ng Senior High School si Magui. Bagama’t, walang naganap na graduation sa kanilang paaralan, at tanging sa virtual ceremony lamang ito ginanap, ay masayang-masaya ang dalaga at ramdam niya ang tagumpay na kanyang nakamit dahil sa kanyang pamilya na palaging nakasuporta sa kanya at mahal na mahal siya.

Hindi man pinasok ni Magui ang industriya ng showbiz katulad ng kanyang ina at kapatid, ay hindi naman maikakaila ang dami ng kanyang mga tagahanga na nakasubaybay sa kanyang buhay sa kanyang social media accounts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *