Kilalanin Si Janina, Ang Napakaganda At Talentadong Anak Ng Action Star Na Si Jeric Raval

Sa taglay na gandang lalaki at karisma ng aktor na si Jeric Raval ay maraming babae ang nahuhumaling. Idagdag pa nga dito ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang action star sa mga pelikula ay talaga namang habulin siya ng mga kababaihan. Kaya naman, sa kanyang taglay na magagandang katangian ay walang dudang napaibig niya ang maraming babae kung saan nga ay nagkaanak rin siya sa mga ito.

Photo credits to the owner

Sa isang prescon ng pelikulang “Double Barrel Sige Iputok Mo” kung saan nakasama niya ang aktor na si Aga Muhlach at Phoebe Walker, ay inamin ni Jeric na nagkaroon siya ng walong anak sa iba’t ibang babae. Kabilang nga sa kanyang mga anak ay ang napakaganda at talentadong na si Janina Carly Buensuceso. Si Janina ay anak ng gwapong aktor sa kanyang dating kasintahan na si Monica Herrera. Inamin rin ni Jeric, bago pa man siya pumasok sa showbiz ay may asawa na siya ngunit wala pa silang anak.

Photo credits to the owner

“Yung tatlo sa iba (kay Monica), matagal na kaming wala nun. Pumasok ako sa showbiz may asawa na ako, pero at that time ay wala pa kaming anak. At naka apat kami at ang bunso naming 8 years old, pero humabol lang yun”.

Photo credits to the owner

Hindi naman talga maikakaila na nananalaytay na sa dugo ng mga anak ni Jeric ang magandang lahi. Kaya naman, ang anak niyang si Janina ay talaga namang ubod ng ganda. At wala duda ngang ang taglay niyang kagandahan ay namana niya sa kanyang mga magulang. Ang ina ni Janina na si Monica ay isang dating aktres na taglay rin ang napakagandang mukha. Maliban dito, ay may kahanga-hanga rin ang talentong taglay ni Janina sa paghawak ng mga music instrument, at may mahusay ring umawit na siyang namana naman niya sa kanyang ina.

Photo credits to the owner

Pagbabahagi naman ni Jeric, ay madalas silang mapagkamalang magkasintahan ng kanyang anak na si Janina lalo na nga’t hindi nagkakalayo ang kanilang hitsura. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging maloko ni Jeric noon kaya naman akala ng ilan ay ganun parin ang aktor hanggang ngayon.

Photo credits to the owner

Ibinunyag rin ni Jeric sa nasabing panayam na nais ng kanyang anak na sumunod sa kanyang yapak sa showbiz sa pag-aartista. At ang bagay na ito nga ay suportado naman ng aktor sa katunayan nga nito ay ibinunyag pa niya na isa nang certified contract star ng Viva Artists Agency si Janina.

Photo credits to the owner

Ngayon pa lang nga ay marami na ang nakaabang sa magiging takbo ng karera ni Janina sa showbiz. At hindi naman na nakakapagtaka kung sa pagdating ng panahon ay makilala at sumikat siya bilang isang mahusay na artista sa tulong ng kanyang sariling kakayahan at talento, idagdag pa nga ang kanyang angking ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *