Kilalanin Si Jana Roxas, Ang Napakagandang Dilag Na Bumihag Sa Puso Ng Aktor Na Si Ejay Falcon

Pagdating nga sa buhay ng ating mga iniidolong artista ay hindi tayo nagpapahuli patungkol sa mga kaganapan sa kanilang buhay. Maliban sa tagumpay na tinatahak nila sa kanilang karera ay nakasubaybay rin tayo sa kanilang masaya at makulay na buhay pag-ibig na nakakakilig.

Photo credits to the owner

At isa na nga ang aktor na si Ejay Falcon sa mga kilalang personalidad sa showbiz na kaabang-abang ang buhay pag-ibig sa piling ng babaeng bumihag ng kanyang puso. At ito nga ay walang iba kundi ang simple ngunit napakagandang si Jana Roxas. Sa kanyang taglay na ganda nga ay napaibig ang gwapong aktor na si Ejay.

Photo credits to the owner

Sa mga hindi nakakaalam, si Jana ay dating contestant ng reality talent show ng GMA na StarStruck. Hindi naman talaga maikakaila ang artistahing ganda ni Jana, idagdag pa nga dito ang kanyang magandang hubog ng katawan. Bagay na bagay naman talaga sina Ejay at Jana sa isa’t isa.

Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nagsimula matapos dumalo ni Ejay sa isang house warming event sa Pansol, Laguna. Ngunit, lingid sa kaalaman ng aktor ang bahay na kanyang pinuntahan ay pagmamay-ari pala ni Jana. Tila nga ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para sila’y magkakilala at masimulan ang isang matamis na pag-iibigan.

Photo credits to the owner

At ngayon nga, ay kitang-kita naman sa mga larawang ibinabahagi ng magkasintahan sa kani-kanilang social media ang nag-uumapaw nilang kasweetan. Sa kanilang matamis na ngiti na makikita sa kanilang mga mukha ay isa namang malaking patunay na masaya sila sa piling ng isa’t isa.

Sa isang panayam naman kay Boy Abunda ay inamin ni Ejay na nakikita na niya ang kanyang sariling kasama si Jana sa kanyang pagtanda. Ayon nga sa aktor, ay si Jana na ang babaeng nakatakda at inilaan ng tadhana para sa kanya. Ang kanyang nobya na raw ang kanyang soulmate na nais niyang makasama habang buhay.

Photo credits to the owner

Si Ejay Falcon ay unang nakilala sa industriya ng showbiz matapos maging Big Winner ng second season ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Ito na nga ang naging daan ng aktor upang tuluyang pasukin ang mundo ng showbiz at patunayan ang kanyang husay sa pag-arte.

Photo credits to the owner

Sa paglabas niya nga sa Bahay ni Kuya ay agad na bumuhos ang kabila’t kanang mga proyekto. At kahit anong genre nga, mapaaksyon man o kaya ay matinding drama ay talagang lumilitaw ang talento sa pag-arte ni Ejay. Kahanga-hanga rin ang taglay na kagwapuhan ng aktor at maskulado niyang pangangatawan na talaga namang hinahangaan ng marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *