Kilalanin si Camille Orosa ang Napakagandang Panganay na Anak ng Iniidolong Action Star Noong Dekada 90 na Si Robin Padilla

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na karamihan sa mga hinahangaan at iniidolo nating artista ay naging bukas na ang personal na buhay sa publiko. Ito ay hindi naman talaga maiiwasan lalo na nga’t marami sa kanilang mga tagahanga ang talaga namang minamatyagan talaga sila. Maging ang buhay pamilya nga nila, ang iba ay hindi na rin naitago sa madla.

Photo credits to the owner

Kaya naman marami sa mga anak ng mga artista ay kilala rin ng publiko, at ang iba pa nga ay sumunod pa sa yapak ng kanilang mga magulang kaya naman mas lalo silang nakilala, dahil ang iba sa kanila ay mga sikat na. Sa kabila nito, may iba namang anak ng artista na hindi man pumasok sa mundo ng showbiz, ay nakilala naman ng madla sa ibang bagay kung saan nila ipinamalas ang kanilang talento.

Photo credits to the owner

Samantala, si Robin Padilla ay isa sa mga sikat at batikang action star sa mundo ng showbiz na ang buhay ay naging bukas na sa publiko. Batid naman ng marami sa atin na dahil sa karisma at kagwapuhang taglay niya ay maraming mga kababaihan ang tunay na nahumaling sa kanya, kung saan ang iba nga sa mga ito ay kanyang nakarelasyon at naging ina ng kanyang mga anak.
Kahit naman kilala na ng marami ang mga anak ng action star ay tila nga may ilan pa rin na hindi nakakilala sa panganay na anak ng batikang action star, kung saan ito nga ay walang iba kundi si Camille Orosa.

Photo credits to the owner

Si Camille Orosa ang panganay sa lahat ng mga anak ni Robin, at siya rin ang nag-iisang anak ng batikang action star sa kapwa artista na si Leah Orosa, na kanya ngang nakatrabaho sa pelikulang ‘Sa Diyos Lang Ako Susuko’ noong dekada 90.

Photo credits to the owner

Marami ang hindi gaanong nakikilala si Camille, ito ay dahil nga sa mas pinili ng ina nitong si Leah na manirahan sa ibang bansa, upang lumayo nga sa atensyon ng publiko. Sa kabila naman ng malayong distansya, ay hindi naman ito naging hadlang sa mag-ama na maging konektado pa rin sa isa’t isa.
Sa kasalukuyan nga ay naninirahan si Camille sa ibang bansa kasama ang kanyang inang si Lea at ang step-father niyang si Antonio Orosa.
Ayon sa mga naging ulat patungkol kay Camille, ay nagkaroon ito ng apat na kapatid sa kanyang ina. Ang panganay din na anak na ito ni Robin ay nakapagtapos ng Master’s Degree sa kursong ‘Information and Data Science’ sa bansang California noong taong 2019.

Photo credits to the owner

Base pa sa ilang mga ulat, mismong si Robin umano ang nagtulak kay Camille na mag-enroll sa natapos nitong Master’s Degree. Nagpapasalamat rin umano si Camille sa asawa ng kanyang amang si Robin na si Mariel Rodriguez. Dahil nga umano sa kabaitan ni Mariel ay naging malapit sa kanya si Camille, na kung tawagin nga siya ay “my other gorgeous mom”.

Photo credits to the owner

May lumabas din na ulat, na ang pamilya ni Camille ay mga dog lover at ang kanyang inang su Leah ay isang Schutzhund trainer kaya naman noong taong 2018 ay inilabas nila ang ‘Doggo Gadgets’ na isang dog parenting business.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *