Kilalanin ang Pitong Nagagandahang Anak na Babae ng Aktres na si Nadia Montenegro

Sa mundo ng showbiz ay maraming mga aktres na ang sumikat at naging beterena dahil sa kanilang ipinamalas na husay at galing sa pag-arte.

Isa na rito ay ang bateranang aktres na si Nadia Montenegro, kung saan ay talaga namang napakarami na niyang pelikula at programa na kinabilangan.

Photo credits to the owner

Madalas na gampanan ni Nadia sa mga pelikula ang pagiging isang butihing ina, at ito ay hindi naman talaga nalalayo sa kanyang karakter na ginagampanan sa tunay niyang buhay, sapagkat siya ay isa ring mapagmahal, butihin at responsableng ina sa kanyang mga anak.

Biniyayaan ng walong mga anak sa tunay na buhay ang aktres na si Nadia Montenegro, kung saan pito rito ay babae at nag-iisa nga lamang ang anak niyang lalaki. At sa kabila ng iba’t iba ang personalidad na tinataglay ng kanyang mga anak, ay mapalad naman bilang isang ina si Nadia, sapagkat ang mga ito ay nagtataglay ng kahanga-hangang ganda at talino na maipagmamalaki niya.

Photo credits to the owner

Bilang isang ina din ay proud si Nadia dahil sa kabila ng magkakaiba ang hilig, talento at hitsura ng kanyang mga anak, ay napalaki niya naman ang mga ito ng mapagmahal sa isa’t isa at may mabubuting kalooban, sapagkat ang mga ito ay binusog niya ng kanyang pagmamahal.

Samantala, Kilalanin nga natin ang mga nagagandahang anak ni Nadia na itinuturing niyang prinsesa ng kanyang buhay.

Alyysa Asistio

Photo credits to the owner

Panganay sa lahat ng babaeng anak ni Nadia si Alyysa. Siya ay nakapagtapos ng kursong Dentistry sa Centro Escolar University, talaga namang ‘beauty and brain’ di ba.

Alyynna Asistio

Photo credits to the owner

Siya ang pangalawang anak na babe ng aktres, at kilala siya bilang si Ynna Asistio. Si Ynna ay ipinanganak noong taong 1991 at sumikat bilang isang Kapuso actress.

Napabilang siya noon sa ilang mga Kapuso series katulad ng “Mga Mata ni Angelita” at “La Vendetta”. Sa ngayon ay isa ng Kapamilya actress si Ynna.

Alyana Asistio

Photo credits to the owner

Kilala siya bilang si Yana Asistio at siya ang ikatlong anak na babae ni Nadia Montenegro. Isang Kapuso star si Yanna, ngunit sa kabila nito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama sa ilang mga pelikula na pinagbibidahan ng mga Kapamilya star, kagaya na lamang ng pelikulang “She’s Dating the Gangster”, “Everyday, I Love You” at “Mama’s Girl.”

Anykka Asistio

Photo credits to the owner

Ang ikaapat na anak ni Nadia ay si Anykka, na nangangarap na pasukin ang pag-aabogasya.

Samantha Asistio

Photo credits to the owner

Ikalimang anak na babae ni Nadia na isang aspiring singer at minsan na ngang lumahok sa blind auditions ng The Voice Philippines noon ng ABS-CBN.

Ayisha Asistio

Photo credits to the owner

Pang-anim siya sa mga babaeng anak ni Nadia, at isa rin nga siya sa mga kabataan ngayon na talaga namang nahuhumaling sa mga Kpop group, kagaya na lamang ng sikat na BTS.
Sophia Asistio

Photo credits to the owner

Ang bunso na mahilig rin sa Kpop group, at kahit nga siya ang pinakabata sa lahat sa kanilang magkakapatid, ay madalas naman siyang tawagin ng ina niyang si Nadia na ‘mature and brave’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *