Kilalanin Ang Mga Sikat Na Artista Sa Showbiz Na Nagsuot Ng Magarbo At Mamahaling Wedding Gown Sa Kanilang Kasal Na Nagkakahalaga Ng Dalawang Milyong Piso

Pangarap ng maraming kababaihan ang magkaroon ng isang engrandeng kasal kapiling ang taong kanilang iniibig. At kapag nga isang engrandeng kasalan, maliban sa bonggang handa at mga bisita ay talaga namang napakaganda at bongga rin ng isusuot na wedding gown ng bride.

Para nga magkaroon ng isang napakagandang wedding gown ay kumukuha sila ng designer o kaya naman ay pumupunta sa malalayong lugar para mabili nila ang pinapangarap na wedding gown. Hindi naman alintana ang presyo ng wedding gown, dahil kahit nga abutin pa ito ng milyon, ay gagastos ang ikakasal para lamang maisakatuparan ang pangarap na maisuot ang napakagandang wedding gown.

Katulad na lamang nga ng mga sikat na artista na ito na talagang pinaglaanan ng pera at oras ang mamahalin at napakagandang wedding gown kahit pa gumastos sila ng milyong halaga. Higit na mahalaga para sa kanila ang maging maganda suot ang kanilang wedding gown sa espesyal na araw kasama ang taong mahal at makakasama sa buhay.

Ruffa Gutierrez

Photo credits to the owner

Ang aktres na si Ruffa Gutierrez, ay nagmula sa kilalang pamilya sa industriya ng showbiz. Kaya naman nang ikasal ito sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektaz noong 2003 ay talagang napakaengrande ang naging selebrasyon. Maliban sa kanilang Muslim wedding na naganap na Turkey ay nagkaroon pa sila ng isang Christian wedding na naganap naman sa Manila. Sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay napakaganda ni Ruffa suot ang kanyang European-inspired wedding gown na idinisenyo ni Inno Sotto. Suot naman ang napakagandang wedding gown, ay nagawa niyang itago ang kanyang nakaumbok na baby bump. Bagama’t, hindi idineklara ang eksaktong halaga ng wedding gown, ayon naman sa ilang ulat ay nagkakahalaga ito ng kalahating milyon.

Georgina Wilson

Photo credits to the owner

Ang aktres at modelong si Georgina Wilson ay ikinasal sa kanyang asawang si Arthur Burnand noong April 30, 2016. Sa espesyal na araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay lumutang ang angking ganda ni Georgina suot ang kanyang napakagandang wedding gown na likha ni Monique Lhuiller. Ang kanyang suot na wedding gown ay mula naman sa koleksyon na tinawag na “The Elizabeth”, premiere fashion designer’s Fall 2015. Ang suot na wedding gown ni Georgina na may disenyong tonal rose gold ay regalo sa aktres ni Dra. Vicki Belo at ito nga ay nagkakahalaga ng P774, 345.

Heart Evangelista

Photo credits to the owner

Si Heart Evangelista ay kabilang sa tinatawag na “crazy rich asians” sa tunay na buhay. Kaya naman nang ikasal sa kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero ay tiniyak niyang bongga at engrande ang selebrasyon. Sila nga ay ikinasal sa Balesin Island Club noong Pebrero 15, 2015. Isa namang napakagandang wedding gown ang kanyang suot sa araw ng kanilang kasal kung saan ay obra ng Dubai-based Filipino designer na si Ezra na nagkakahalaga ng P1,078, 246. Ang nasabing weddingg gown ay anim na buwan bago tuluyang matapos ng designer. Ito naman ay yari sa 70,000 na iba’t ibang klase at laki ng Swarovski elements. Gumamit naman si Ezra ng French lining at tulle fabric sa top. At sinamahan pa niya ito ng Baroque lace at French sequins.

Marian Rivera

Photo credits to the owner

Nagmistulang isang dyosa ng kagandahan naman ang aktres na si Marian Rivera , at talaga namang naging isang real life princess sa royal wedding nila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes suot ang kanyang napakagandang gown. Ang kanyang off-shoulder ecru-colored gown ay nilikha at disenyo ni Michael Cinco. Ito ay may disenyong French lace na mas pinaganda ng Swarovski crystals at cathedral train ay nagkakahalaga ng P2 million. Sina Marian at Dingdong ay ikinasal noong December 30, 2014 sa pamamagitan ng isang engrandeng church wedding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *