Kilalanin ang Mga Artistang Kahit Nasa Edad na 30’s na at ang Iba pa ay may mga Anak na ay Aakalain Pa Rin na mga Dalaga Dahil sa Walang Kupas Nilang Ganda

Sa pag-aartista ay batid natin na ang pangunahing nagiging puhunan ng mga sumasabak sa ganitong larangan ang pagtataglay ng angking ganda maliban pa nga sa talento, kung kaya naman talagang napakaraming mga artista ang hinahangaan natin ang taglay na kagandahan.

Samantala, tunay namang ang hitsura ng isang tao ay hindi dapat ibase sa kanilang edad, sapagkat marami sa ating mga kilalang celebrity ang sa kabila ng ang edad ay malapit ng mawala sa kalendaryo o ang iba nga ay sadyang wala na sa kalendaryo ay hindi mo naman ito mapapansin sa kanilang mga hitsura dahil mga ‘young looking’ pa rin.

Ang iba pa ngang artista, kahit na nasa mid 30’s na ang edad at may mga anak na ay hindi naman ito mahahalata sa kanila, ito ay dahil nga sa pag-aalaga nila sa kanilang sarili. Narito nga at Kilalanin natin ang ilan sa mga artista na kahit na ‘age of 30’s’ na ay hindi pa rin kumukupas ang kagandahan.

Iya Villania


Photo credits to the owner

Ipinanganak noong ika-29 ng Hunyo taong 1986 si Iya Villania, at kahit nasa mid 30’s na ang kanyang edad ay physically fit pa rin ang taglay niyang pangangatawan. Sa kasalukuyan din ay may tatlo ng anak si Iya sa kanyang asawang si Drew, at sa kabila ng pagiging isa na niyang ina at pagiging abala niya sa trabaho ay makikita naman na hindi pa rin niya napapabayaan na mapanatiling fit ang kanyang pangangatawan at maging ang kanyang taglay na kagandahan.

Heart Evangelista

Photo credits to the owner

Ika-14 ng Pebrero taong 1985 ng isilang naman ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista. Sa kanyang edad na nasa 30’s na ay hindi naman ito mahahalata sa husay niyang mag-alaga ng kanyang sarili, idagdag pa ang pagiging magaling niya pagdating sa pananamit na talaga namang ‘classy’ at ‘elegant’.

Camille Prats

Ang aktres at Tv host na si Camille Prats ay ipinanganak naman noong ika-20 ng Hunyo taong 1985. Ang kanyang karera bilang isang artista ay nagsimula noong siya ay bata pa, kung saan isa nga siya sa mga pinaka-sikat na child star lalo na ng gampanan niya ang pagiging si Sarah Crew sa pelikulang ‘Sarah, Ang Munting Prinsesa.’ Kahit nga nasa mid 30’s na rin ang kanyang edad sa kasalukuyan ay bakas pa rin ang mala-prinsesa niyang kagandahan na tila nga hindi tumatanda.

Georgina Wilson

Photo credits to the owner

Ipinanganak naman noong ika-12 ng Pebrero taong 1986 ang beauty queen na si Georgina Wilson. Ikinasal siya kay Arthur Burnand at sila ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Baby Archie. Kahit na nasa 30’s na at may anak na ay kitang-kita naman na hindi pa rin kumukupas ang taglay na ganda at kaseksihan ni Geaorgina.

Jennylyn Mercado

Photo credits to the owner

Kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na aktres ngayon si Jennylyn Mercado, at dahil dito kaya naman tinagurian siyang ‘Ultimate Star’. Sa edad niyang 30’s ay wala pa ring kupas ang kanyang ganda. At kahit ngayon na siya ay may isa ng anak at ipinagbubuntis pa ang pangalawa niyang anak ay mas lalo pa nga siyang gumaganda.

Toni Gonzaga

Photo credits to the owner

Nasa edad na 32 ang singer-actress na si Toni Gonzaga ng kanyang isilang ang anak niyang si Seve. Si Toni naman ay ipinanganak noong ika-20 ng Enero taong 1984, at kahit nasa 30’s na ang edad ni Toni ay sobrang ganda at seksi pa rin talaga niya mula noon hanggang ngayon.

Marian Rivera

Photo credits to the owner

Ang tinguriang ‘Kapuso Primetime Queen’ na si Marian Rivera ay ipinanganak noong ika-12 ng Agosto taon 1984. Dahil sa kanyang angking kagandahan ay nabihag niya ang puso ng napakagwapong aktor na si Dingdong Dantes, kung kaya naman sila din ay nabiyayaan ng maganda at gwapong mga anak na sina Zia at baby Ziggy. Kahit naman nasa 30’s na ang edad ni Marian at may anak na ngang dalawa ay tunay na kabigha-bighani pa rin ang kanyang taglay na kaseksihan at kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *