Kathryn Bernardo, Ipinasilip Ang On-going Construction Ng Kanyang Ipinapatayong Dream House

Unti-unti nang nabubuo ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang mga pangarap sa buhay. At dahil nga sa kanyang sipag at tiyaga sa pagtatrabaho bilang isang artista, ay tinatamasa na ngayon ng aktres ang bunga ng kanyang pinagpaguran.

Photo credits to the owner

Maliban sa tagumpay bilang isa sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz, ay marami ring naipundar na ariarian at negosyo si Kathryn. At isa sa talagang maipagmamalaki niyang natupad sa kanyang mga pangarap ay ang kanyang dream house na unti-unti nang nabubuo.

Photo credits to the owner

Matatandaan na noong July 2019 nang minsang ibahagi ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo ang isang larawan na kuha sa isang malawak na bakanteng lote kasama ang aktres at boyfriend nitong si Daniel Padilla. At sa nasabing lokasyon nga itatayo ang dream house ni Kathryn na plinano sa loob ng tatlong taon.

Photo credits to the owner

Pagsapit naman nga ng March 9 2020, ay proud na ibinahagi ni Kathryn sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha sa ground breaking ceremony para sa kanyang dream house. At noong March 25, 2020 ay makikita sa isang IG post ng aktres ang pagsisimula sa pagpaplano ng kanyang dream house at para rin sa kanyang pamilya.

Photo credits to the owner

Hindi naman nagsasawa si Kathryn sa pagbibigay ng update sa kanyang mga tagahanga patungkol sa kanyang ipinapatayong dream house. At noong nakaraang buwan ng Agosto nga ay muling nagbigay ng update si Kathryn tungkol sa ipinapagawang bahay. Sa muling pagbisita ng aktres sa site ay makikitang on-going na ang construction ng kanyang dream house. Makikita ngang nasimulan na ang pagpapagawa kung saan may mga hugis na at kunting development na ito.

Photo credits to the owner

Sa huling update ni Kathryn sa kanyang ipinapatayong dream house nito lamang ika-5 ng Enero, ay makikitang on-going parin ang construction ng bahay. Ngunit, sa sandaling ito ay masisilayan na nga ang kabuuang laki ng bahay. At masasabi na napakalaki at talagang bongga ang ipinapatayong dream house ni Kathryn. Kalakip ang mga larawan at video ng kanyang pagbisita sa site, ay nilakipan niya ang kanyang post ng simpleng caption na:

“Site visit. Jan “22.”

Mapapansin naman na nag-iwan ng komento sa IG post ni Kathryn ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla na talaga namang proud na prpud sa achievemenyt nh kanyang nobya.

“YAHOOO!!! EXCITING TIMES”.

Photo credits to the owner

Sa ngayon nga ay unti-unti nang nabubuo ni Kathryn ang matagal na niyang pinapangarap na bahay, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Sa laki at lawak nito, ay tiyak na isang napakagandang bahay ang naghihintay na matapos para maging tahanan ng kanyang pamilya. Isang napakagandang tahanan kung saan sila ay bubuo ng masasayang aalala nang magkasama. At tiyak rin na ang bahay na ito na bunga ng pagsisikap ni Kathryn ay mapupuno ng saya at pagmamahalan ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *