Julia Barretto, Labis na Nasiyahan sa Christmas Gift na ‘Rolex Watch’ sa Kanya ng Boyfriend Niyang si Gerald Anderson Noong Pasko

Noong holiday season ay tuloy pa rin ang pagpapakilig ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta, ito nga ay matapos na magdiwang ng aktor ng kapaskohan kasama ang pamilya ni Julia.

Photo credits to the owner
Makikita sa mga larawang ibinahagi ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto na talaga namang tanggap na tanggap ng kanilang pamilya si Gerald at super close na nga ito sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Photo credits to the owner
Samantala, sa inilibas na vlog ni Marjorie sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi nga niya ang naging kaganapan sa kanilang tahanan noong Christmas Eve. At sa naturang video vlog nga na ito ng ina ni Julia, ay makikita kung ano ang naging Christmas gift ni Gerald sa nobyang aktres.
Labis na kasiyahan ang maaaninag sa mukha ni Julia ng kanyang makita kug ano ang napakabonggang regalo sa kanya ng nobyo, kung saan ito nga ay isa sa mga mamahaling relo na talaga namang pangarap ng marami. Kitang-kita nga ang pagkabigla kay Julia ng kanyang masilayan ang ‘Rolex’ na tatak ng relong regalo sa kanya ni Gerald.

Photo credits to the owner
Sambit ni Julia, ang naturang Rolex watch na regalo sa kanya ng nobyo ang kauna-unahang rolex niya. Batid naman kasi nating lahat na talaga namang napakamahal at umaabot ng milyon ang presyo ng isang rolex watch.
Tunay namang malapit na ang aktor sa pamilya ng nobya niya, sapagkat maliban nga kay Julia ay may regalo din si Gerald sa mga kapatid ng aktres at siyempre hindi rin mawawala ang regalo niya kay Marjorie, ang ina ng aktres.

Photo credits to the owner
Ayon naman kay Marjorie, alam na alam na ni Gerald kung ano ang makapapapasaya sa bawat isa, dahil tunay namang nagustuhan nilang magpamilya ang regalo sa kanila ng aktor.

Photo credits to the owner
Agad namang pinuri ng maraming netizens ang magandang samahan na makikita sa aktor at sa pamilya ni Julia. Sabi pa nga ng ilan, napakaganda at sayag tingnan na welcome na welcome na ang aktor sa pamilya ng Kapamilya actress.
Marami rin ang nakapansin ng kaligayahan ni Gerald at Julia sa tuwing silang dalawa ay magakasama, kung saan madarama nga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *