Joshua Garcia, Enjoy Na Enjoy Na Nag-jetskii Kasama ang mga Kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo at iba pa

Solid na solid nga ang samahan at pagkakaibigan ng aktor na si Joshua Garcia, at magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kilala rin sa kanilang love team na “KathNiel”.

Maraming proyekto na nga ang kanilang pinagsamahan, kaya naman hindi maitatanggi na maganda ang nabuo nilang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan. Unang naging katrabaho ni Joshua ang real life couple sa pelikulang Barcelona: A Love Untold noong 2016. At sa pagsisimula nga ng kanilang pagkakaibigan, ay talaga namang naging matatag at maganda ang kanilang samahan.

Samantala, ang aktres naman na si Ria Atayde ay naging kaibigan rin nila matapos nilang makasama sa pelikulang The Hows of Us noong 2018. Mas lalo ngang naging matibay ang kanilang pagkakaibigan sa pagdaan ng panahon. Kabilang rin sa kanilang grupo ang aktres na si Sofia Andres, at partner nitong si Daniel Miranda.

Bahagi na sa samahan ng magkakaibigan ang magkaroon ng masasayang adventure nang magkakasama. At ang pagbuo nila ng masasayang alaala sa kanilang mga adventure ay sinimulan na nila noong nakaraang taon kung saan ay nag-camping sila sa isang napakagandang lugar na malayo sa kabihasnan.

Hindi naman natatapos ang ganap sa kanilang magbabarkada, dahil hanggat may pagkakataon ay nagkakasama sila para magbonding. At kamakailan lamang nga, ay muling nagkasama ang magkakaibigan para magbonding sa beach. Sa Instagram, ay makikitang ibinahagi ni Joshua ang mga larawan at video habang enjoy na enjoy siya pagje-jetskii. Ang kanyang post naman ay nilakipan niya ng caption na “The way I see it”.

Nagbahagi rin si Kathryn sa kanyang Instagram ng mga larawan na kuha naman habang sila’y kumakain. Caption naman ni Kathryn sa kanyang post:

“Why double-date when you can triple-date?! Also, my vote for the ‘Cutest Brunch Date’ award goes to the girl in pink sweater.”

Kapansin-pansin naman sa mga kuha larawan na nakasama rin ng magkakaibigan sa kanilang beach getaway sina Zanjoe Marudo at Alora Sasam.

Kitang-kita naman na enjoy na enjoy ang magkakaibigan sa kanilang masayang adventure sa beach. Isa na naman ngang hindi makakalimutan at masayang alaala na napakasarap balikan ang kanilang nabuo para mas lalong maging matatag ang kanilang samahan.

Si Joshua Garcia ay nakilala sa industriya ng showbiz matapos mapabilang sa mga housemates ng reality show na Pinoy Big Brother noong 2015. Pagkatapos nga ng kompetisyon, ay bumukas ang pinto ng oportunidad sa karera ni Joshua. Mas lalo siyang nakilala ng publiko matapos niyang gumanap sa pelikulang kabilang sa 2016 Metro Manila Film Festival na “Vince and Kath and James”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *