Joross Gamboa Proud na Ipinasilip ang Nakakarelaks at Napakaganda Nilang Beach House na Matatagpuan sa Quezon

Nalalapit na naman ang summer season, kaya naman panigurado na marami sa atin ang nanabik ng magtungo sa magagandang beaches o resort kung saan ay talaga namang makakapagrelaks at makakapag-enjoy tayo kasama ang ating pamilya.

Photo credits to the owner
Tila naman ang pamilya ng aktor na si Joross Gamba at kanyang pamilya ay hindi na kailangan pang lumayo kung nais nilang magsasama-sama at mag-enjoy sa isang masayang bakasyon sa isang nakakarelaks na lugar. Ito ay dahil ang pamilya ng aktor ay mayroon na ngang sarili nilang beach house.

Photo credits to the owner
Kamakailan lamang ay proud na ipinasilip ni Joross ang napakagandang beach house na naipundar ng kanyang pamilya, at ito nga ay matatagpuan sa Costa Sariya, Sariaya sa Quezon Province.
Unang ibinahagi ng aktor ang tungkol sa pagpapatayo ng kanyang pamilya ng beach house noong ika-23 ng Abril, kung saan ayon nga sa kanya ay isang beach house nga umano ang ipinapatayo ng kanyang pamilya sa isang beachfront property sa Quezon. Makalipas nga lamang ang ilang buwan ay natapos na ang ipinagawang beach house ng pamilya ng aktor, kung kaya naman sa unang pagkakataon ay ipinasilip na niya ito sa publiko.

Photo credits to the owner
Sa Instagram account ni Joross ay kanya ngang ibinahagi ang ilang mga larawan ng kanilang beach house kung saan ay makikitang ang hitsura ng loob at labas nito.
Tunay namang kaaya-aya ang kagandahan ng beach house property na ito ng pamilya ng aktor, sapagkat sa labas pa lamang ay agad na ngang sasalubong sayo ang isang malapad na swimming pool, idagdag pa na mula rito ay matatanaw ang napakalawak at napakagandang karagatan.
Makikita rin sa iba pang larawan na ibinahagi ng aktor, na sila ay nagpalagay ng isang sementadong lote sa loob ng bakuran ng kanilang beach property, ito nga ay ang magsisilbing basketball para sa mga kalalakihan o maari rin ngang gawing volleyball court na maari ring laruin ng mga kababaihan.

Photo credits to the owner
Samantala, pagdating naman sa loob ng pagmamay-aring beach house ng pamilya ng aktor ay tunay namang hahangaan ang pagiging elegante ng disenyo nito maging ang mga kagamitan nga na matatagpuan dito. Halimbawa na nga lamang nito ay ang sofa, mga magagandang at maging ang magagarang palamuti na siyang nagbibigay buhay mismo sa loob ng beach house.

Photo credits to the owner
Ipinakita rin ni Joross sa isang larawan na kanyang ibinahagi ang mala-condo type na hitsura ng kanilang kusina at dining area sa kanilang beach house, kung kaya naman tunay na napaka-class at elegant ng pag-aaring property na ito ng kanilang pamilya.
Kalakip nga ng mga larawan na ito na ibinahagi ng aktor ay ang kanyang caption, kung saan siya ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa kanyang buong pamilya.

Photo credits to the owner
“Gamboa’s Family Beach Home”
“Thank You Lord sa blessing na eto! All Glory to God! Sa lahat ng bumubuo neto SHARAWT sa inyo! Family of Gamboa-Sanchez, Alba-Gamboa, Gamboa-Saga, Gamboa-Escusa, Gamboa-Rapiz.”
Mababasa naman sa huling bahagi ng caption ni Joross ang naging panganako niya sa kanyang mga tagahanga na kalaunan ay maglalabas siya ng isang video vlog sa kanyang YouTube channel na “The Gamboa Channel” at dito nga niya ipapasilip ang kabuuang ng kanilang beach house.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *