‘It’s never too late’ Payo ni Aiko Melendez sa mga Gustong Ma-Achieve ang Slim Body Niya Ngayon Matapos ang Kanyang ‘Weight Loss Journey’

Kapuso actress na si Aiko Melendez umani ng paghanga at papuri sa mga netizens at kapwa celebrity ng ibahagi ang kanyang larawan na nagpapakita kung gaano na siya ka-slim ngayon at batang tingnan, na siyang resulta ng kanyang naging pagpapayat.

Photo credits to the owner
Matatandaan na noong ika-15 ng Hunyo taong 2021 ng magbahagi si Aiko Melendez sa kanyang social media account ng kanyang larawan, kung saan ay nakasuot lamang siya ng kumportableng outfit.
“Always loving simple and comfy clothes”, ani ng aktres kasabay ang pagpapasalamat sa sponsor ng designer t-shirt na suot niya.
Hindi naman inasahan ng Kapuso actress, na ang kanyang ini-upload na larawan na ito ay aagaw ng pansin sa publiko. Napansin kasi ng mga netizens at maging mga kaibigan ng 45-taong gulang ng si Aiko sa larawan kung gaano na siya ka-slim at kabatang tingnan ngayon.

Photo credits to the owner
Ilan nga sa mga nagbigay komento, ay ang kanyang mga kapwa celebrity na nagsabi pang inakala nila na ang nasa larawan ay ang anak na babae ni Aiko na si Marthena Jickain na 14-taong gulang pa lamang.
“Wow akala ko si baby girl mo!”, ang naging komento nga ni RR Enriquez.
“Fresh”, ang naging komento naman ni Lara at “Batang-bata” naman ang komento ni Gladys bilang papuri sa kapwa nila aktres.

Photo credits to the owner
Samantala, sa sumunod na araw nga matapos pag-usapan ng marami ang kanyang napakagandang larawan ay muling nagbahagi si Aiko ng kanyang larawan sa socmed, at sa pagkakataon na ito ay close-up version na nga ito ng naunang larawan niya na nag-trending.“Thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments”, ang naging caption naman ni Aiko sa bago close-up version na larawan na kanyang ibinahagi.

Photo credits to the owner
Makikita rin sa caption ng Kapuso actress ang pag-tag niya sa kanyang sponsors, kasabay ang pagbabahagi niya kung ano ang kanyang ginawa upang ma-achieve magandang pangangatawan niya ngayon na slim na nga at mas nagpabata sa kanya tingnan.
Ayon kay Aiko, isa sa mga ginawa niya upang maging slim ay ang pagkain ng mga pagkain na nasa ‘line of keto’, at ang regular na pag-ehersisyo, idagdag pa ang pag-inom niya ng cacao drink. Nabanggit rin ng Kapuso actress, na bumisita pa rin siya sa beauty clinic para ma-achieve ang ‘healthy and younger looking.’

Photo credits to the owner
“I’m happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late.”
“So sa lahat ng nagme-message sa akin, salamat! Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin na ‘ten yan!’ Good luck on your weight loss journey! And yes wala po ako make up!”, mensahe ng aktres sa mga netizens na patuloy na nagtatanong sa kanya tungkol sa kanyang naging weight loss journey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *