Connect with us

Stories

Isang Bata sa Caloocan, Nagtitinda sa Kalye Upang Matulungan ang mga May Sakit na Magulang

Karamihan sa mga bata ngayon ay buong araw na nasa loob ng kanilang bahay, nakatutok sa mga gadget, at nag-aaral. Iilan sa kanila ang may kaunting kaalaman kung ano ang mga hirap ng buhay. Pero naiiba ang batang si Manny Samaa ng Caloocan. Sa halip na nag-aaral lang, naglalaro, at sinusulit ang buhay bilang isang bata, siya na ngayon ang nagtataguyod ng kanilang pamilya.

Parehong may sakit ang mga magulang ni Manny. Baldado ang kaniyang tatay samantalang may Tuberculosis naman ang kaniyang nanay. Sa murang edad pa lamang ay naintindihan na niya ang sitwasyon ng pamilya kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na magtrabaho para sila ay mabuhay. Sa umaga, nagtitinda si Manny ng mga kagamitan sa bahay katulad ng walis, sponge, tabo, at iba pa.

Photo credits: GMA Public Affairs 

Hindi dito nagtatapos ang trabaho ni Manny. Sa gabi naman, sa halip na magpahinga ay nagbebenta siya ng balot sa kalye. Kahit may pandemiya, tuloy-tuloy pa ring kumakayod si Manny. Kwento nga niya,

“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako.”

Naantig ang puso ng mga netizens sa kaniya. Marami ang pumuri sa kaniya dahil sa kaniyang kagustuhang tumulong sa pamilya kahit bata pa lang siya,

“Good job boy, ipagpatuloy mo lang ang kabaitan at pagmamahal mo sayong mga magulang, darating ang araw pagpapalain ka ng dakilang lumikha.” Ipinagdasal din ng mga netizens ang mga magulang ni Manny. Ayon sa isang netizen, “Sana gumaling na mga magulang mo boy, darating ang panahon na magiging maayos ang lahat, hindi bulag ang Diyos, magtiwala ka lang at ipagpatuloy ang pagiging mabuting anak.”

Photo credits: GMA Public Affairs 

Kalaunan, naging viral ang kaniyang kwento at unti-unti siyang nakilala kaya naman marami na ang nag-abot ng tulong para sa kanilang pamilya. Ngunit likas na talaga kay Manny ang pagiging masigasig. Hindi niya ginustong umasa lagi sa tulong ng iba kaya naman sinabi niyang ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtatrabaho.

Photo credits: GMA Public Affairs 

Bagamat marami ang humahanga kay Manny at ginagawa siya bilang isang magandang ehemplo ng kasipagan para sa ibang mga bata, marami pa rin ang naghahangad na bumuti ang kanilang buhay upang maranasan niya ang buhay bilang isang bata at upang maipagpatuloy niya nang mabuti ang kaniyang pag-aaral.

error: Content is protected !!