Connect with us

Entertainment

“I think our partners deserve extra care and love”: Mensahe ng Isang Misis ng Seaman, Hinangaan ng mga Netizens

Hindi madali ang pagiging isang OFW. Bukod sa pangungulila sa kani-kanilang mga pamilya, minsan din ay may napaglulupitan ng mga amo. Kasabay pa ito ng napakahirap na trabahong kanilang ginagawa. Gaya ng karamihang OFW, ito rin ang nararanasan ng mga Pilipinong seaman.




Ngunit, madalas na inaakala ng mga tao na napakadali ng kanilang trabaho. Akala rin ng ibang tao na napakadali lang sa kanila na kumita ng malaking halaga habang nakakapagbakasyon sa iba’t ibang bansa. Ang hindi alam ng karamihan, labis din ang hirap, pagod, at pangungulila ng mga seaman. Kaya nga nakakalungkot isipin na kakaunti lang ang nagpapahalaga sa kanilang ginagawa at mga sakripisyo.

Photo credits: google.com

Ngunit may iilang tao rin naman gaya ni Ticong-nicolas Jimma. Bilang asawa ng isang seaman, lubos ang pagpapahalaga at pagpapasalamat ni Jimma sa pagsisikap at sakripisyo ng mga seaman. Sa isang post, ipinakita niya ang litrato ng kaniyang asawa. Kitang-kita rito ang labis niyang kapaguran. Hindi na rin niya nagawang humiga sa kama kaya makikitang sa sahig natulog ang marino.




Para maibalik ang sakripisyo ng kaniyang asawa, sinabi ni Jimma na mahalagang ipakita ang pagmamahal lalong-lalo na sa mga kapamilyang seaman. Dagdag pa niya, “For a seaman’s wife like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board, instead of nagging and telling them—You go now. Call the office because we need money.” Nagbigay rin siya ng payo para sa mga taong sinasamantala ang perang ipinapadala ng mga OFW,

Photo credits: google.com

“For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this picture. Maybe it’s a wake up call to some families who are fighting over seaman’s money.”

Sang-ayon din naman ang ilang netizens kay Jimma. Saludo sila sa mga Pilipinong OFW. Dagdag pa nila, talagang maraming tao ang nag-iisip na madali lang ang trabaho sa barko at madali lang kumita. Sang-ayon din ang ilang mga marino na totoong mahirap ang kanilang trabaho.




Dahil sa simpleng post ni Jimma, nakapagbigay siya ng pagpapahalaga sa mga seaman. Nakapagbigay rin siya ng aral at paalala lalong-lao na sa mga kapamilya ng mga seaman at iba pang OFW.

error: Content is protected !!