Connect with us

Entertainment

From Condominium to Bahay Kubo: Mag-asawa, Iniwan ang Buhay sa Syudad Kapalit ng Tahimik na Buhay sa Probinsya,

Marami ang nagnanais na manirahan sa syudad. Bukod sa mga oportunidad, maraming mga lugar ang pwedeng mapuntahan. Mukhang masaya rin ang buhay dito dahil sa kaliwa’t kanang mga kainan, mall, at pasyalan. Para din sa ilan ay komportable ang kanilang pamumuhay. Bagamat kadalasan ay maliliit lang ang espasyo ng mga apartment o condominium unit, malapit naman ito sa mga supermarkets at mga train stations. Totoong mukhang perpekto ang pamumuhay sa syudad lalo na kung mag-isa ka lang at walang sariling pamilya.

Para kay Joey Ong, isang advertising director, chef, at food content creator, nagbago ang pananaw niya tungkol sa pamumuhay sa syudad noong nagkaroon siya ng pamilya. Bagamat maganda at komportable ang buhay niya sa Makati kasama ang kaniyang asawang si Ciara at ang kanilang anak na si Joselito, naisip niyang mas makabubuting lumipat sila sa probinsya.




Ayon kay Joey, mahirap ang sitwasyon ngayong may pandemiya. Limitado ang kanilang mga galaw at nahihirapan silang ilabas ang kanilang anak. Dahil dito, napagdesisyunan nilang mag-asawa na bumili ng lupa sa Alfonso, Cavite. Nagpatayo din sila ng bahay kubo noong December 2020 na agad namang natapos sa loob ng 16 na araw.



Bukod sa ligtas nilang naipapasyal ang kanilang anak sa labas, mas tahimik at payapa ang buhay nila ngayon. Nakatipid din sila sa kanilang mga gastusin. Kung titingnan naman ang kanilang modern bahay kubo ay mukhang simple lang ito pero mayroon itong dalawang kwarto at bathroom. Mayroon din itong Wi-Fi kaya walang naging problema sina Joey sa kanilang pagtatrabaho. Dagdag pa ni Joey,

“It was a chance to turn a new leaf. Moving out of the city is not just a physical move, it is also mental and even spiritual. There’s so much baggage you’re leaving behind and the pandemic made it easy.”

Marami ding natutunan ang mag-asawa sa kanilang paglipat sa probinsya. Isa na rito ang pag-iwas sa pagbili ng mga hindi importanteng kagamitan. Maraming mga bagay din ang dapat isipin kung gusto ng isang tao na lumipat sa probinsya pero para kina Joey, malaking bagay daw ang pagtutulungan nilang mag-asawa sa malaking desisyon na ito,

“All our decisions are discussed, planned, and we collaborated with each other. A peaceful partnership can do wonders…always agree on things.”

Totoong mahirap ang pagdedesisyon sa malalaking proyekto gaya nito. Pero katulad nga ng pamilya nina Joey, pagtutulungan at maayos na pagpaplano ang kailangan.

error: Content is protected !!