Ellen Adarna Buking na Nakanganga Kapag Natutulog Matapos Siyang Asarin ng Mister Niyang Si Derek Ramsay

Hindi maitatanggi na isa sa mga pinakanagagandahan at hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz si Ellen Adarna, ito ay dahil nga sa kanyang taglay na napakagandang mukha, idagdag pa ang kanyang napaka-seksing pangangatawan.

Photo credits to the owner

At dahil nga sa taglay na kagandahan at kaseksihan ni Ellen ay tunay na marami siyang mga tagahanga. Ngunit, bilang mga tagahanga, minsan ba ay napapatanong kayo, kung ano ba ang hitsura ng inyong idolo kapag ito ay natutulog? Ang isang Ellen Adarna kaya, ano ang hitsura kapag tulog?

Photo credits to the owner

Marahil kung isa ka nga sa tagahanga ni Ellen at gusto mong malaman ang kasagutan sa tanong na ito, ay binigyan na nga ito ng kasagutan ng mismong mister ng aktres na si Derek Ramsay, matapos nga nitong magbahagi ng larawan ng kanyang misis na si Ellen Adarna habang ito ay natutulog bilang pang-aasar nga niya rito.

Photo credits to the owner

Sa kabila nga ng pagpasok ng bagong taong 2022 at kahit ilang buwan na ring mag-asawa sina Ellen at Derek ay hindi pa rin nga natatapos at wala pa ring naging pagbabago sa pag-aasaran nilang mag-asawa na tila nga ‘way’ na ng lambingan nila.

Kung ating matatandaan, hindi pa man kasal ang mag-asawang Ellen at Derek ay madalas na silang magbahagi sa kani-kanilang social media accounts ng kanilang mga pranks o di kaya ay pang-iinis sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

At sa unang buwan pa lamang nga ng taong 2022, ay mayroon na kaagad entry si Derek sa pang-ookray niya sa misis niyang si Ellen.

Nito nga lamang nakaraan, sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ang aktor ng isang video, kung saan ay kanyang ipinakita kung paano nga ba natutulong ang kanyang misis.

Makikita sa uploaded video ni Derek, ang masarap at mahimbing na tulog sa isang sofa ng mommy ni Elias, nakakumot pa nga ito kung kaya naman talagang halata na masarap ang tulog nito.

Photo credits to the owner

Habang natutulog nga ang aktres, ay naisipan ng mister niyang si Derek na kuhanan siya ng video kung saan ay masisilayan nga na siya ay nakanganga pa habang tulog.

Naalimpungatan naman si Ellen, at nang makita ang ginagawa ng kanyang asawa ay tinignan lamang niya ito.

“Don’t kill me!!!!”, ang naging caption ni Derek sa kanyang uploaded video na ito.

Makikita naman na nagkomento si Ellen dito at ang tangi niyang tugon ay, “Why are you so obsessed with me.”

Ikinatuwa naman ng mag-asawa ang kulitan na ito ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *