Dra. Vicki Belo, Ibinahagi ang Video Kung Saan Makikita ang Naging Pagsailalim sa ‘Liposuction’ ng Aktres na Si Janella Salvador

Viral ngayon sa TikTok ang isang video na ibinahagi ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, kung saan sa video ngang ito makikita ang naging pagsailalim ng Kapamilya actress na si Janella Salvador sa ‘liposuction’ upang maibalik ang kanyang dating alindog at taglay na kaseksihan.

Photo credits to the owner
Lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ng manganak si Janella sa anak niyang si Baby Jude ay malaki ang nadagdag sa kanyang timbang. Dahil nga sa pagod, puyat at overeating ay halos 40lbs ang inangat ng timbang ng Kapamilya actress, kung kaya naman nagdesisyon siyang magpa-lipo.

Photo credits to the owner
Matatandaan na isinapubliko ni Janella ang nanging pagsailalim niya sa liposuction. Pagbabahagi pa noon ng aktres kaya niya ito ginawa ay dahil sa kanyang kagustuhan na maibalik ang kanyang ‘self-confidence’. Dagdag pa ni Janella, para sa kanya ay ‘best decision ever’ umano ang kanyang ginawang pagpapa-lipo.

Photo credits to the owner
Samantala, apat na buwan na nga ang lumipas magmula ng sumailalim sa ‘lipoosuction procedure’ ang Kapamilya actress, ngunit nito lamang nakaraan ng ibahagi ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa TikTok ang naging session nila ng magpa-lipo nga si Janella.
Kaagad ngang nag-viral sa TikTok ang video na ito na ibinahagi ni Dra. Vicki, at sa katunayan apat na oras lamang ang lumipas magmula ng ito ay i-upload ay humakot na agad ito ng 5-milyong views.

Photo credits to the owner
Sa naturang video ay mapapanood na sinabi ni Dra. Vicki na anim na buwan matapos ang naging panganganak ni Janella, ay nagtungo ito sa kanya. Ito nga ay upang maging ‘ready’ nga umano ang Kapamilya actress sa magiging pagbabalik nito sa trabaho.

Photo credits to the owner
Ayon sa ulat, ang ginawang procedure ni Dra. Vicki kay Janella ay ang tinatawag na 360 liposuction kung saan tatanggalin nga ang ilang mga fats sa ilang partikular na bahagi ng aktres, kagaya na lamang ng sa bandang arms, wings, back at abdomen

Photo credits to the owner
Makalipas naman umano ang tatlong buwan, pagkatapos na sumailalim ni Janella sa liposuction, ay sumailalim naman ang aktres sa tinatawag na ‘skin genius’ kung saan ito naman ay para nga umano sa balat ni Janella. Ito ay isang procedure na nagpapaliit nga ng mga loose skin.

Photo credits to the owner
Tunay namang naging matagumpay ang ginawang liposuction at skin genius kay Janella, dahil ngayon nga ay makikita na bumalik na ang dating alindog ng Kapamilya actress, kung kaya naman siya nga ay handang-handa na sa pagbabalik niya sa trabaho.

Photo credits to the owner
Isa nga sa mga pinakakaabangan na proyekto ni Janella ay ang paganap niya bilang si ‘Valentina’ sa nalalapit ngang paglipad muli ng Pinay Iconic Superhero na si ‘Darna’, na gagampanan naman ng aktres na si Jane De Leon.

@vicki_belo

@iamsuperjanella bringing sexy back! #liposuction #lipo360 #cosmetics #body #bodypositivity #fyp

♬ Own Brand Freestyle – FelixThe1st & Dreya Mac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *