Dimples Romana Muling Pina-Wow ang mga Netizens at Kapwa Celebrities sa Kanyang Ubod ng Gandang ‘Woman Photoshoot’

Pagdating sa pag-arte, isa sa mga talaga namang hinahangaan ay ang Kapamilya actress na si Dimples Romana. Ang kanyang husay bilang aktres ay tunay namang kinabibiliban ng marami, lalo na nga ng kanyang bigyang buhay ang karakter ni ‘Daniela Mondragon’ o Danigirl sa hit series noon na Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Photo credits to the owner
Ngunit hindi lamang nga ang pagiging mahusay na aktres ni Dimples ang hahangaan at kabibiliban sa kanya, dahil maging ang pag-aalaga niya sa kanyang sarili at pagpapanatili ng kanyang kagandahan ay naging inpisrasyon na din ngayon lalo na sa maraming ma kababaihan.

Photo credits to the owner
Sa edad na 37 ni Dimples ay ilang beses na nga niyang pinahanga ang marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan, at ito nga ay mas lalo pang lumabas ng siya ay magbalik loob sa pagpapayat, kung saan ay mas naging blooming at bata nga siyang tingnan.
Samantala, nito lamang nakaraan ay muling pina-wow ng Kapamilya actress ang maraming netizens at maging ang mga kapwa niya celebrity, ito nga ay matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang mga bago niyang larawan kung saan makikita ang kanyang kahanga-hangang kagandahan sa ginawa niyang ‘woman photoshoot’.

Photo credits to the owner

Nito nga lamang ika-16 ng Enero, araw ng Linggo, ay napag-alaman ng KAMI na ang mga ibinahaging mga larawan ni Dimples sa kanyang Instagram account ay kinunan sa Rockwell Makati kung saan ay makikita ngang siya ay nakasuot ng isang ‘pale olive outfit.’
Makikita rin sa mga larawan na sa kabila ng simpleng make-up ni Dimples at paglugay lamang ng kanyang buhok ay talaga namang tunay na kabighabighani pa rin ang angkin niyang kagandahan, kung kaya naman ang mga larawan na ito ay agad na umani ng papuri at paghanga mula sa marami.

Photo credits to the owner

Kahit nga ang mga kapwa celebrity ni Dimples ay pinuri ang napakaganda niyang larawan, lalo na’t kitang-kita sa mga nasabing larawan ang walang kakupas-kupas na kagandahang taglay niya.
Ang kapwa nga aktres at kaibigan ni Dimples sa industriya ng showbiz na si Cherry Pie Picache ay nagbigay komento sa larawan ng, “Huy! Ba’t bumabata ka? Unfair yan! Dagdag pa niya, “A beautiful woman.”

Photo credits to the owner
Maliban kay Cherry Pie ay makikita rin sa comment section ang iba pang papuri para sa napakagandang si Dimples, kabilang na nga sa mga makikitang nagkomento ay si Bernadette Sembrano, na ipinaabot ang kanyang paghanga sa napakagandang photoshoot ng Kapamilya actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *