Dawn Zulueta sa Edad na 52 Pina-Wow ang mga Netizens ng Ipakita ang Kanyang ‘Flawless Back’ at Kaseksihang taglay Suot ang Kanyang Back-Baring Swimsuit

Bago matapos ang taong 2021 ay pina-wow ng beteranang aktres na si Dawn Zulueta ang maraming mga netizens.
Sa bagong larawan na ini-upload ng award-winning actress sa kanyang Instagram account ay kanya ngang pinatunayan sa lahat na ang kanyang edad na 52, ay isa nga lamang numero, sapagkat ito ay hindi bumabase sa kanyang hitsura.

Photo credits to the owner

Makikita kasi sa ini-upload na larawan ni Dawn na talaga namang napaka-hot at fit niya pa rin sa edad na 52, lalo na’t sa kanyang bagong upload photo ay kanyang ibinida ang napakakinis at napakaputi niyang likuran habang suot ang kanyang back-baring swimsuit na may disenyong tropical. Makikita rin sa larawan na ito ng aktres ang taglay niyang fit na pangangatawan.
Ayon sa mga lumabas na ulat, ang naturang larawan ng award-winning actress ay kinunan noong holiday vacation sa pagmamay-ari ng kanilang pamilya na resort sa Davao Del Norte, ang Pearl Farm Beach Resort.

Photo credits to the owner

“[emoji] With trepidation: Do I jump or shimmy in to 2022? Coz I’ll be damned if it’s 2020, too! [emoji] #trepidation”, saad ng aktres sa caption ng kanyang IG post.
Bumuhos naman kaagad ang napakaraming komento ng papuri sa napakaganda na larawan na ito ng aktres, kung saan ay karamihan pa nga sa mga komento ay naglagay pa ng emojing ‘heart’ at ‘fire’ na naglalarawan nga na napaka-hot pa rin ni Dawn at marami ang tunay na humanga sa kagandahan at kaseksihan na taglay niya ngayon sa edad niyang 52.

Photo credits to the owner

Maging ang ilan sa mga kapwa celebrity ni Dawn ay nabighani rin sa bagong upload niyang larawan, kagaya na lamang ni ABS-CBN news anchor na si Karen Davila at ang aktres na si Marice Laxa.
“Hahaha good caption! [emoji] but wow you look gorgeous”, komento ni Karen Davila.
“Jump, jump! [emojis]”, saad naman ng The Family Fortune actress na si Marice Laxa.
Narito naman ang mga komento ng mga netizens na talagang pinuri ang kagandahan at kaseksihang taglay ni Dawn sa larawang kanyang ibinahagi.
“AYY GOOD MORNING NAMAN PO SA NAPAKAGANDA AT SEXY NA MAMA NAMIN SKSKSM [emojis].”
“Ma! Yung totoo, 52 ka na ba talaga? Para namang hindi hehehe sexy mo pa rin[emoji]
“Omg!!! Ageless mama @dawnzulueta [emoji] sexxxyyyy [emoji]”

Photo credits to the owner

Matatandaan naman na hindi ito ang unang beses na nag-upload ang aktres ng kanyang larawan na siya’y nakasuot ng bikini, sapagkat sa kanyang mga nakalipas na Instagram post ay nagbahagi siya noon ng larawan niya kung saan ay nakabibighani rin ang kanyang kaseksihan sa suot niyang white bikini na kinunan nga noong panahon na ginagawa niya ang pelikulang ‘Northern Samar.’

Noon ding ika-31 ng buwan ng Mayo taong 2019 ay may bikini photo rin na ini-upload ang aktres, kung saan kuha nga ang larawan noong taong 2016 ng siya nga ay nagkaroon ng swimsuit/summer pictorial. At kahit halos 7-buwan pa lamang ang lumilipas noon matapos niyang ipanganak ang bunsong anak niyang si Jacobo ay talaga namang nakaka-wow pa rin ang kaseksihan niyang taglay sa nasabing larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *