Dating PBB Housemate Na Si Ylona Garcia, Nagtatrabaho Bilang Crew Sa McDonald’s Sa Sydney, Australia

Marami ang pinahanga ang aktres at singer na si Ylona Garcia noong siya’y nasa industriya pa ng showbiz. Ang kanyang taglay na husay sa pag-arte at natatanging galing sa pag-awit ang nagdala sa kanya sa matagumpay niyang karera.

Photo Credits: Ylona Garcia| IG

Matatandaan naman na unang nakilala si Ylona sa showbiz matapos niyang mapabilang sa housemates ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2015. At sa edad na 13 taong gulang ay pinabilib na niya ang mga tagasubaybay ng programa. Dahil habang nasa loob ng bahay ni Kuya, sa taglay niyang husay sa musika, ay nakalikha si Ylona ng mga kanta na talagang sumikat.

Photo Credits: Ylona Garcia| IG

Sa kanyang paglabas ng Bahay ni Kuya kung saan ay napabilang siya sa Big Four matapos ang kompetisyon, ay mas lalong humanga ang kanyang mga fans sa mga ginawa niyang proyekto. Sa maikling panahon na nasa industriya siya ng showbiz, ay marami rin ang kanyang naging proyekto katulad na lamang nga ng ASAP Natin ‘To na mapapanood tuwing araw ng Linggo sa ABS-CBN. At dito nga, ay mas lalong nakilala si Ylona dahil sa kanyang magandang tinig at husay sa pagkanta.

Photo Credits: Ylona Garcia| IG

Ngunit, isang pangyayari naman ang hindi inaasahan dahilan nga ng pagkawala ng kanyang karera. At ito nga ay pagsara ng ABS-CBN, kung saan marami sa mga artista ang nawalan ng trabaho, isa na nga rito si Ylona. Matapos nga nito, ay nagpasya si Ylona na umuwi na lamang sa kanyang hometown sa Syney, Australia.

Photo Credits: Ylona Garcia| IG

Dahil nga sa kawalan ng trabaho, ay hindi nagdalawang isip si Ylona na magtrabaho bilang isang crew sa isang sikat na fast food restaurant. Bagama’t, wala na sa showbiz si Ylona ay aktibo naman siya sa kanyang social media accounts sa pagbabahagi ng mga larawan at video patungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay.

Photo Credits: Ylona Garcia| IG

Sa isang post nga ng dating aktres sa Instagram, ay makikitang ibinahagi niya ang isang lawaran kung saan ay makikita ang kanyang mirror selfie. Makikita sa larawan na nakasuot si Ylona ng uniporme ng crew ng Mcdonalds. At ang bagay na ito ay hindi ikinahiya ng dating aktres. Sa caption nga ng kanyang post, ay inimbitahan niya ang publiko na bumisita sa nasabing branch na kanyang pinagtatrabahuan, at magiliw siyang magsisilbi sa kanyang mga customer.

Photo Credits: Ylona Garcia| IG

“hey y’all, i decided to work at mcdonaldsau :)) feel free to come thruuu and and i’ll serve you.”

Hindi naman maikakaila na kahit wala na siya sa showbiz, ay masaya naman siya sa buhay na tinatahak niya ngayon. Walang arte, at hindi rin niya ikinakahiya ang marangal niyang trabaho bilang crew para kumita ng pera habang nasa ibang bansa. Dahil nga dito, ay inulan ng papuri mula sa kanyang mga tagahanga si Ylona.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *