Dating PBA Player Na Si Tristan Perez, Nagtatrabaho Na Ngayon Bilang Truck Driver Sa Canada

Hindi nakitaan ng anumang pagsisisi ang dating PBA player na si Tristan Perez, matapos niyang lisanin ang kanyang karera bilang basketball player upang manirahan sa Canada kasama ang kanyang pamilya at magtrabaho bilang isang truck driver.

Photo credits to the owner

Ang 28 anyos na dating basketball player na si Tristan, ay matatandaan na dating miyembro noon ng National University (N.U.) Bulldogs kung saan nag-champion ang team nila sa UAAP men’s basketball noong 2014. Matapos naman nito, ang kanyang amateur career ay nagsimula nang maglaro siya sa BDO-NU at Jumbo Plastic para sa PBA (Philippine Basketball Association) D-League.

Photo credits to the owner

Hindi naman nagtagal ay tuluyan na siyang naging professional basketball player noong 2016 kung saan ay napabilang siya sa koponan ng Blackwater Elite sa PBA. Ngunit sa kabila ng matagumpay na karera sa larangan ng larong basketball, ay nagpasya siyang iwan ang karera at lumipad patungong Canada noong 2017 upang sundan ang kanyang pamilya. Ang kanilang pamilya na binuo nila ng kanyang asawang si Jhameel Pineda at kanilang dalawang babaeng anak, ay naninirahan ngayon sa Fort McMurray, Alberta.

Photo credits to the owner

Dahil nga, magkakasama na sila sa Canada, ay nagpasya naman siyang humanap ng trabaho. At ngayon nga, ay isa ng driver ng 26-wheeler truck sa Alberta, Canada si Tristan kung saan ay nagtatransport ng petroleum sa mga nga kompanya.

Photo credits to the owner

Sa isang panayam news anchor na si Rhea Santos nito lamang ika-19 ng Enero para sa Omni Filipino, ay ibinahagi ni Tristan na hindi siya nagsisi sa kanyang naging pasya na manirahan sa Canada. Bagkus nga, ay masayang-masaya pa siya lalo na nga’t maraming benefits para sa future ng kanilang mga anak.

Photo credits to the owner

“Ganun talaga pag may pangarap ka. Minsan talaga merong isa sa inyong mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo.”

“Mas pinili naming mag-Canada kasi andami ngang benefits na mabibigay sa future ng [mga] anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future.”

Sa isang panayam naman sa Philippine star, ay inamin naman ni Tristan na ang paglipad niya patungong Canada para makasama ang kanyang pamilya ay pinag-isipan niyang mabuti.

Photo credits to the owner

“My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA—assuming I play long in the league.”

Bago naman siya maging isang truck driver, ay naging laborer at mechanic. Pag-amin pa ng dating basketbolista, ay naging tapat siya sa kanyang employer nang siya’y mainterview kung saan nga ay sinabi niyang wala pa siyang alam na trabaho ngunit nais niyang matutunan ang bawat trabaho. Bago naman sumalang sa trabaho ay sumailalim muna sa training si Tristan kung saan nga ay sagot ng kompanya ang kanilang training.

Photo credits to the owner

“Hindi basta-basta na ida-drive mo yung mahabang truck, napakadelikado. Lalo na kami, flammable yung dala namin.”

Sa ngayon ay tatlong taon nang truck driver si Tristan sa Canada, habang ang kanyang misis naman na si Jhameel ay nagtatrabaho naman bilang school bus driver. Patuloy nga ang pag-abot ng mag-asawa sa pangarap ng kanilang pamilya, at ngayong taon nga ay balak na nilang bumili ng kanilang sariling bahay sa Alberta, Canada.

Photo credits to the owner

Malayo man sa kanyang propesyon bilang isang basketball player ang trabaho ngayon ni Tristan, ay hindi naman maikakaila na masaya siya sa buhay na meron siya ngayon kapiling ng kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *