Dalagang Anak Nina Aga Muhlach At Charlene Gonzales Na Si Atasha, Agaw Pansin Ang Mala-beauty Queen Na Kagandahan

Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan ng maraming netizens ang latest photo sa Instagram ng dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Gonzales. Sa nasabing larawan kasi ay humanga ang madla matapos masilayan na dalagang-dalaga na si Atasha at taglay ang mala-beauty queen na kagandahan.

Marahil marami sa atin ang nakaabang sa future ng mga anak ng mga sikat na artista. At tulad nga ng dalagang anak nina Aga at Charlene na si Atasha, ay kaabang-abang nga ang future nito kung susunod ba ito sa yapak ng kanyang mga magulang.

Photo credits: Atasha Mulach | IG

Hindi naman maikakaila na nananalaytay sa dugo ni Atasha ang gandang namana niya sa kanyang mga magulang. Ang kanyang inang si Charlene na kilalang aktres ay isa ring former beauty queen na nagwaging Binibining Pilipinas noong 1994, at prinisenta ang bansa sa Miss Universe. Samantalang ang kanyang ama na si Aga Muhlach ay isang award winning actor. Kaya naman, sa namanang kagandahan ni Atasha sa kanyang mga magulang ay hindi na nakapagtatangka kung balang araw ay sumunod ang dalaga sa yapak ng mga ito.

Sa latest photo na ibinahagi ni Atasha sa kanyang Instagram na kuha noong pagsalubong ng Bagong Taon, ay makikita na napakagandang pagmasdan ng dalaga suot ang kanyang floral dress na bagay na bagay sa kanya. Sa kanyang awra nga ay lutang na lutang ang kanyang mala-beauty queen na kagandahan. Ang kanyang mga larawan ay agad pumukaw ng atensyon ng mga netizens at dinagsa nga ito ng mga positibong komento.

Nanguna na sa pagbibigay ng komento ang kanyang mga magulang na sina Aga at Charlene. Kasalukuyang nasa United Kingdom si Atasha upang mag-aral kolehiyo at isa na nga ngayong sophomore student sa isang university sa Nottingham. Kaya naman, sa komento ng kanyang mga magulang ay miss na miss na nila ang dalaga.

“My love…(heart emojis). Miss you (heart eyes emoji). See you soon (hug emoji),”komento ni Charlene.

“(Fire emoji) Naman! Haha happy new year! See you soon! Love you very much!”,saad naman ni Aga.

Photo credits: Atasha Mulach | IG

Photo credits: Atasha Mulach | IG

Marami naman sa mga netizens ang nagsabi na ang gandang taglay ni Atasha ay pang-Miss Universe. Kaya naman, hiling nga ng mga ito, sana raw ay sumali ng Miss Universe Philippines si Atasha dahil tiyak na malakas ang laban niyang maiuwi ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe pageant.

“Future Beauty Queen (fire emojis)!”

“Miss Universe! (crown emoji).”

“The Next Miss Universe (crown emoji)”

“So pretty langga… my kind of young celebrity…dapat tularan!”

Matatandaan sa isang panayam na naitanong na rin kay Atasha kung ano ang gusto nitong tahaking landas, ang maging beauty queen o maging artista. Ayon naman sa dalaga kahit alin sa dalawa ay pwede niyang gawin ngunit sa ngayon ay nakatuon ang buo niyang pansin na makapagtapos ng pag-aaral.

Minsan na ring nabanggit ni Charlene na may kasunduan sila ni Atasha at kambal nitong si Andres na tapusin muna ang pag-aaral bago nila gawin ng mga nais nila sa buhay o kahit na anong pangarap na nais nilang tuparin.

“I just want them to be them, be able to do what makes them happy whatever decision that might be.”

“After they finish college, kahit anong gusto nila, susuportahan naming lahat,” pahayag ni Charlene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *