Dahil sa Pagtitinda ng Isaw at Streetfood, Isang Pinoy sa Bansang New York Kumikita sa Loob ng Isang Buwan ng Php800,000

Marami ang nangangarap na magkaroon ng isang negosyo, ngunit tunay naman na sa panahon ngayon ay tunay na napakahirap ang pumasok sa pagnenegosyo, lalo na’t hindi lamang panahon mo ang iyong ilalaan dito, kundi maglalabas ka din ng puhunan na walang kasiguraduhan kung babalik sayo, dahil depende ito kung papatok ang negosyong itatayo mo.

CREDITS: Boy_ Isaw| IG

Ang mga Pinoy ay tunay na mapamaraan pagdating sa paghahanap ng mapagkakakitaan, at ang madalas nga na gawin ng mga kapwa nating Pilipino ay ang pumasok sa negosyo malaki o malaki man ang tubo.
Samantala, kamakailan lamang ay isang kababayan nating Pinoy na nakabase sa bansang New York ang umani ng paghanga dahil sa kanyang kasipagan ay nagawa niyag palaguin ang isang negosyong kanyang ipinundar, kung kaya naman ngayon ay kumikita na siya ng Php800,000 sa loob ng isang buwan.

CREDITS: Boy_ Isaw| IG

Kinilala ang Pinoy na ito na si Robin John Calalo, kung saan siya nga ay nagtayo ng isang stall sa Amerika na ang mga produkto nga na kanyang ibinebenta ay mga street foods, kagaya na lamang ng isaw, Betamax, adidas at marami pang iba.
Agad ngang pumatok ang mga paninda ni Robin sa mga kapwa niya Pinoy sa nasabing bansa at maging ang mga dayuhan din ay tinangkilik ang kanyang itinitinda. Kung tawagin nga si Robin ay “Boy Isaw” dahil tunay na binabalik-balikan ang kanyang mga panindang street foods. Maliban pa nga sa kanyang stall, ay nagtitinda rin online si Robin ng mga streetfoods na ready-to-grill.

CREDITS: Boy_ Isaw| IG

Pagbabahagi ni Robin, ang lahat ay nagsimula ng siya ay mag-crave ng Filipino street food doon, kaya naman sinubukan niya ang magluto. Bumili nga siya ng mga ‘ingredients’ na kailangan niya sa halagang $50 o Php2,500 lamang, at dito nga ay nakagawa siya ng marami kaya naman naisipan niya ang magbenta nito sa mga kaibigan at kamag-anak niya roon.

CREDITS: Boy_ Isaw| IG

“I decided to buy from market with $50 then I cooked. I prepared a lot the I sold it. The first one who bought from me are friends and family”,ang naging saad nga ni Robin o mas kilala na bilang si Boy Isaw.

Ang mga itinitinda nga ni Robin ay adidas, Betamax, isaw, hotdog at manok, kung saan kada piraso nga ng stick ng mga ito ay nagkakahalaga ng $3.50 o Php175. Dagdag din sa ibinebenta ni Robin ang kanin na ang benta naman niya ay $2 o Php100, para naman sa mga nais na ma-experience ng kumpleto ang Pinoy food.

CREDITS: Boy_ Isaw| IG

Ibinahagi rin ni Robin na nagpo-promo rin siya, kagaya na lamang ng special promo niya na tatlong sticks na may kasama ng inumin, at ito nga ay nagkakahalaga naman ng $14 o Php700. May tinda rin siyang chicharong bulaklak, at ayon nga sa kanya ay isa ito sa mga best seller niyang paninda.

CREDITS: Boy_ Isaw| IG

Ito naman ang payo ni Robin sa mga kapwa niya Pilipino na nais na magnegosyo, “Ihaw-ihaw sa New York! Sab inga ni Kuya Kim, pagdating sa negosyo mapa-Pilipinas man o ibang bansa, HARDWORK is the KEY!”
Si Robin ay hindi lamang nagmamay-ari ng isang munting negosyo sa Amerika, dahil nagtatrabaho rin siya bilang fitness instructor sa nasabing bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *