Bunsong Anak Ni Diana Zubiri Na Si Amira, Agaw Pansin Ang Taglay Na Ganda At Kakaibang Kulay Ng Mata

Ang aktres na si Diana Zubiri ay nakilala ng publiko dahil sa kanyang angking talento sa pag-arte at nakakabighaning kagandahan at kaseksihan. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung umarangkada ang kanyang karera sa showbiz bilang isang aktres.

Photo credits: Diana Zubiri | Instagram

Ang kanyang taglay na ganda naman ay namana ng kanyang mga anak. Isa na nga rito ang bunsong anak ni Diana na si Amira Jade Smith na anak niya sa kanyang asawang si Andy Smith. Agaw pansin naman talaga ang kahanga-hangang ganda at kacutan ng isang taong gulang na si Amira. Ang taglay nitong ganda ay mas lalo pa ngang pinalutang ng kakaiba nitong kulay ng mata na green-gray. Kaya naman, talagang hindi maiwasan ng mga netizens ang humanga at kagiliwan ang captivating eyes ni Amira.

Matatandaan na noong October 14, 2020 nang ipakilala sa madla ni Diana ang kanyang bunsong anak sa pamamagitan ng isang 15-minute video. Sa nasabing araw rin isinilang ni Diana si Amira, kung saan nga ay agad na binihag ang atensyon ng publiko dahil sa taglay niyang ganda.

Magmula nga ng dumating si Amira sa buhay ni Diana ay wala nang pinalampas na sandali ang aktres para ibahagi kung gaano siya kaproud sa kanyang bunsong anak. Sa katunayan nga nito, ay makikita sa social media ni Diana ang napakacute na larawan ni Amira. Sa bawat larawan nga ay talagang agaw pansin ang ganda nitong maihahalintulad sa isang manika.

Maliban sa kakaibang kulay ng mata ni Amira, ay may blonde rin itong buhok na bagay sa kanya. At bilang isang cute na bata nga ay hindi rin nawala sa maamo niyang mukha ang kanyang maliit at kulay pink na labi.

Dahil nga sa nag-uumapaw na kacutan ni Amira, ay dinagsa ito ng mga komento na puno ng paghanga mula sa mga netizens at maging sa ilang kaibigan ni Diana sa showbiz. At talaga namang isang proud mommy si Diana sa kanyang anak na namana nga ang taglay niyang ganda.

Matatandaan naman na sa gitna ng pandemya ipinagbuntis ni Diana ang kanyang anak na si Amira. Bagama’t, hindi naging madali ang pinagdaanang hirap sa gitna ng pandemya magmula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak, ang lahat ng pangamba ni Diana ay napalitan ng saya nang masilayan ang kanyang napakacute at malusog na anak na Amira.

Si Rosemarie Joy Garcia-Smith sa tunay na buhay o mas kilala ng lahat bilang si Diana Zubiri ay nakilala sa showbiz sa mga seksing pelikula. Mas lalo naman siyang sumikat at hinangaan ang husay sa pag-arte nang gumanap bilang Sangre Danaya sa fantaserye ng GMA Network na Encantadia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *