Angeline Quinto, Ibinahagi Ang Mga Pagkaing Kanyang Pinaglilihian Ngayong 5 Buwan Na Ang Kanyang Ipinagbubuntis

Tila enjoy na enjoy ang singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang pregnancy journey at kamakailan lamang nga ay ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan sa kanyang pagbubuntis pati na rin ang mga pagkain na kanyang pinaglilihian ngayong limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis.

CREDITS: Angeline Quinto /YT

Bahagi na nga sa pagbubuntis ng isang babae ang dumaan sa paglilihi kung saan nga ay nagiging maselan ang pakiramdam at panlasa. May mga nakakaranas nga ng morning sickness, at nagiging mapili rin sa pagkain. Kung noong hindi pa buntis, ay ganado sa pagkain ng mga paboritong pagkain, ngayon namang buntis na, ay inaayawan naman ito ng husto. At ang mga pagkain namang ayaw kainin, ay siya namang hinahanap ngayon. Wala ring pinipiling oras ang cravings ang isang buntis, dahil kahit nga madaling araw ay maghahanap ito ng pagkain.

CREDITS: Angeline Quinto /YT

Hindi nga madali ang pinagdadaanan ng isang buntis lalo na nga pagdating sa paglilihi. Katulad na lamang nga ni Angeline na napuno ng takot at pangamba ang kanyang dibdib lalo na nga’t isa siyang first time mom. Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Disyembre nang ibahagi ni Angge sa kanyang mga tagahanga na malapit na siyang maging isang ganap na ina.

CREDITS: Angeline Quinto /YT

Ang lahat naman ng takot at pangamba ay naglaho dahil ngayon nga ay naeenjoy na ni Angge ang kanyang pagbubuntis. At kamakailan lamang nga ay masayang ibinahagi ng singer ang kanyang pregnancy journey.

CREDITS: Angeline Quinto /YT

Sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel ay ibinahagi ni Angge ang mga pagkain na kanyang pinaglilihian. Ngayong limang buwan na ang sanggol na dinadala ni Angge sa kanyang sinapupunan ay tila nahihilig siya sa mga puting pagkain tulad ng puting kanin, singkamas, buko, at vanilla ice cream.

CREDITS: Angeline Quinto /YT

Pagbubunyag pa ni Angge, kahit ng 25 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis ay hindi parin nawawala ang kanyang cravings sa pagkain. Ikinagulat rin ni Angge dahil walang pinipiling oras ang kanyang cravings, kahit pa nga madaling araw.

“Nagugulat ako sa sarili ko kasi minsan nagigising ako ng mga 5am, tapos parang ganung oras gusto ko kumain ng lumpiang togue.”

Ngayon naman ang kanyang mga pinaglilihian ay mga pagkaing tulad ng shawarma, barbeque, ube pandesal, cheetos, green tea latte, taho, papaitan na baka at roasted chicken. Hindi naman maikakaila na cravings satisfied ang soon to be mommy na si Angge.

CREDITS: Angeline Quinto /YT

Sa nasabing vlog namam ay hindi maitago ni Angge ang kanyang kaligayahan sa kanyang pregnancy journey. Pag-amin naman ng singer, ay nahirapan siya sa kanyang pagbubuntis noong first trimester.

“Napakasaya din talaga ng journey na ‘to, yung journey ko sa pagbubuntis, kasi masasabi ko na nahirapan talaga ko nung 2nd month hanggang 3rd month, dahil yun yung panahon na sobra akong nakaramdam ng morning sickness.”

CREDITS: Angeline Quinto /YT

“Sobrang blessed ko din sa mga tao na nandyan para sakin, sa mga nanay ng mga kaibigan ko. Kasi kapag may mga tanong din ako or hindi naiintindihan, sa kanila ko tinatanong bukod sa doctor ko,” dagdag pa niya.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *