Alex Gonzaga, Bumisita Kana Dating 1969 Miss Universe Gloria Diaz at Ipinasilip ang Napakagandang Tahanan ng Beauty Queen

Nito lamang nika-17 ng Enero taon ng kasalukuyan ay isa namang ‘good vibes’ ang naging hatid ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa marami niyang mga tagasubaybay at mga netizens. Ito nga ay ng ibahagi niya sa kanyang YouTube channel ang isang vlog, kung saan ay hindi ang kanyang kapamilya o mister na si Mikee Morada ang naging guest niya, kundi ang di-umanoy mga pinsan niya, na biro-biro lang naman na pinsan nga niya.

Photo credits to the owner
Ang tinutukoy nga ni Alex na kunwaring ‘pinsan’ niya ay walang iba kundi ang isa sa kanyang mga matalik na kaibigan sa industriya ng showbiz, ito nga ay ang aktres na si Isabelle Daza.

Photo credits to the owner
“Sa tagal na natin na nagba-vlog, hindi niyo pa nami-meet kung sino yung mga cousins ko. So now, ipapa-meet ko na sa inyo yung mga cousins ko”, ang saad nga ni Alex bago niya ipakilala na si Isabelle Daza ang kanyang magiging guest sa vlog niya.

Photo credits to the owner
Sa simula ng vlog ni Alex, ay makikita ngang pumasok siya sa isang restaurant kung saan ay dito nga sila nagtagpo ni Isabelle, at kasama rin nga nito ang kapatid nitong si Ava Daza.
Nagkaroon muna nga sila ng masayang chikahan sa loob ng restaurant, at matapos nito ay dumiretso naman sila sa tahanan ni dating 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz, na siya ngang in ani Isabelle Daza at Ava Daza.

Photo credits to the owner
Samantala, pagpasok pa lamang ng tahanan ni Gloria Diaz ay kaagad ng aagaw ng pansin ang mga nagagandahang dekorasyon sa loob lalo na’t karamihan nga sa mga ito ay mga antigo o antique. Mas namangha pa nga si Alex ng ipakita sa kanya ni Gloria Diaz ang sarili nitong ‘shrine’, kung saan makikita ang ilan sa mga memorabilia ng actress-beauty queen.

Photo credits to the owner
Ipinasilip rin nga kay Alex ang napakaganda at napakilinis na white kitchen ng tahanan ni Gloria Diaz, at ang garden nito kung saan naman masisilayan ang mga luntian at makukulay na halaman.
Maliban pa sa mga bahagi ng tahanan na nabanggit, ay ipinasilip rin nga ni Isabelle kay Alex ang kanyang sariling silid sa bahay ng kanyang Mommy Gloria.

Photo credits to the owner
Hindi lamang naman ang napakagandang tahanan ang napansin ni Alex ng bisitahin nga niya ang tahanan ng kauna-unahang Pinay na hinirang na Miss Universe sapagkat sa pagkikita nilang ito ay agad ring napansin ni Alex ang kahanga-hangang kagandahan ni Gloria Diaz.
“Ang ganda mo pala Tita pag malapitan”, ani Alex.

Photo credits to the owner
Dahil nga rito ay marami na namang mga netizenss ang natuwa at naaliw kay Alex, at hindi napigilan na magbigay ng kanilang mga natatawang reaksyon at komento sa vlog na ito ng aktres.
“Nakakawala talaga ng str3ss to si Alex. Lagi ko inaabangan ikaw! Salamat sa walang sawang pagpapatawa sa amin.”
“Nakaka-goodvibes ka talaga Ate Alex Morada lagi akong nakaabang sa mga vlogs mo hehe… Apakasimple at ganda ni ate Belle!”
“Thank you so much for always making us laugh in your videos! Virtual hug for you! [red heart emoji]”

Photo credits to the owner
Si Alex Gonzaga ay isa sa mga aktres at vlogger na talaga namang nanunguna at hindi nagpapahuli pagdating sa pagbibigay kasiyahan at goodvibes sa kanyang mga tagasuporta at mga netizens. Sa bawat vlogs na kanyang ibinabahagi sa kanyang YouTube channel ay tunay na nagbibigay ng katatawanan sa marami, ito nga ay dahil sa kanyang pagkabibo, kakulitan at pagkakaroon ng palabirong personalidad kung kaya naman marami ang talagang nagmamahal sa kanya at iniidolo siya.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *