Alamin: Paano Nga Ba Nakapagpatayo ng Bahay ang Single Mom na Ito Nang Hindi Umuutang

Ang pagpapatayo ng bahay ang isa sa mga pangarap ng bawat isa. Ngunit hindi lamang ganoon kadali ang pagpapatayo ng bahay. Napakaraming bagay ang dapat isaalang-alang lalo na ang pinansiyal na pangangailangan sa magiging proyektong ito. Ngunit dahil sa kagustuhang makapagpundar ng sariling bahay, marami ang umuutang na lamang para dito.

Photo credits to the owner

Bagamat ito ang ginagawa ng nakararami, pinili pa rin ng single mom na si Wendee Arriesgado na magpatayo ng bahay nang hindi umuutang. Totoong hindi madali ang desisyon na ito ngunit ayon kay Wendee, nakatulong ang mahusay na pag-budget ng kanilang pera.

Photo credits to the owner

Isa sa mga unang ginawa ni Wendee ay ang kanilang paglipat sa probinsya mula sa syudad. Dahil dito, naiwasan nila ang pagkain sa mga restaurants at pagbili ng kanilang pangangailangan sa malls. Malaya ring nakakalabas ang kaniyang mga anak ngayong nasa probinsya na sila. Mayroon silang malawak na bakuran samantalang limang minuto lang ang layo ng beach sa kanilang bahay. Bukod pa dito, tinuruan din niyang magtipid ang kaniyang tatlong anak,

Photo credits to the owner

“We have a system at home. The kids get Php20 per school day which they can save for buying personal things they need like craft materials or mobile game perks. The same goes for me — if I need something for myself, I work extra hours to ensure I don’t take it from the salary or savings.”

Nakaplano rin ang gastusin ni Wendee sa pagpapatayo ng kaniyang 49.89 sqm. na bahay. Ayon sa kaniya, tinitigil niya ang konstruksiyon ng bahay kung wala na siyang pera para maiwasan ang pangungutang,

“Kung ano lang po ang makakaya ng budget ko for the period, ‘yun lang po ang pinapatrabaho ko.

Photo credits to the owner

To some, it sounds impractical and magastos but for me na solo parent and full-time breadwinner, I can only do so much kaya I learned how to compartmentalize my budget.” Importante rin daw na maging tapat sa mga suppliers ng kaniyang construction materials. Tinitiyak niyang nababayaran niya agad ang mga materyales na kaniyang binili.

Photo credits to the owner

Pagtitipid, disiplina, at pagtutulungan ang naging sekreto ni Wendee upang makuha niya ang pinapangarap na bahay. Ngayon, masaya ang buong mag-anak sa kanilang bagong bahay nang walang iniisip na utang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *