Erich Gonzales, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Bahay na Naipundar

“Product ito ng hardwork”, ayon kay Erich Gonzales ng sa unang pagkakataon ay ipasilip ng aktres sa publiko ang kanyang naipundar na tahanan.

Isa sa maituturing na pinaka-popular at sikat na aktres sa industriya ng shobiz sa kanyang henerasyon si Erich Gonzales. Mula ng siya ay magsimula sa kanyang karera sa pag-aartista, ay talaga namang masasabi natin na malayo na ang narating niyang tagumpay, at natupad na niya ang kanyang mga pinapangarap sa kanyang buhay.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Masasabi natin ngayon na sa ilang taon ng pagtatrabaho ni Erich bilang isang aktres ay talaga namang nae-enjoy na ng Kapamilya star ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan.

Kamakailan lamang, isa sa mga naipundar ni Erich Gonzales, ang kanyang ipinasilip sa unang pagkakataon sa kanyang mga tagahanga. At ito ay walang iba, kundi ang kanyang naipundar na simple ngunit napaka-eleganteng tahanan.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Dahil sa marami talaga sa kanyang mga tagahanga, ang ayon sa aktres ay nagre-request sa kanya, na sana ay makita ng mga ito ang kanyang tahanan, ay naisipan na nga ni Erich na pagbigyan ang mga ito.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Sa kanyang YouTube vlog, sa kauna-unahang pagkakataon, ay ipinakita ni Erich Gonzales ang kanyang tahana, upang mapagbigyan ang hiling ng kanayng mga tagahanga.
Ilan sa mga bahagi ng kanyang bahay na ipinakita ng aktres, ay ang mga paborito niyang lugar dito, tulad na lamang ng Lanai area, kung saan ayon sa kanya ay dito siya madalas tumatambay kasama ang kanyang mga kaibigan.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Ipinakita rin ng aktres sa kanyang video vlog, ang hardin sa kanilang tahanan, na sadya namang napakapreskong tingnan dahil sa may mga nakatanim ditong mga bulaklak at gulay, kung saan ayon sa aktres ito ay mga tanim niya.

Ikinuwento rin ng aktres sa kanyang vlog, kung paano niya napasimulang itayo ang kanyang tahanan.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

“Nabili ko yung lote, when I was 22 years old. And then nag-ipon tayo. And then nu’ng 2014, nagstart na yung construction ng bahay natin. And then the same year also, nakalipat na tayo dito. and long story short, six years old na ang bahay natin,” pagsasalaysay ng aktres.

Ibinahagi rin ng aktres, kung ano ang nagustuhan niya sa lugar, at ayon nga kay Erich ang magandang tanawin na makikita doon ang isa sa naging basehan niya upang sa lugar na iyon ipatayo ang kanyang tahanan.

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

“I really fell in love with the view. Kung nakita niyo ‘yung view kanina ‘dun sa lanai area. I have the same view sa room ko. Imagine waking up to that every day. Parang nice lang. I feel like I’m super close to nature kasi maririnig niyo ‘yung mga chirping ng birds. And then dito, makakita din kayo ng iba’t ibang uri ng butterflies and catterpillars”, dagdag nga ng aktres.

“Itong house na ‘to, product ito ng hard work natin, and then ‘yung mga brands, mga products na nagtiwala sa atin.”

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Photo credits: Erich Gonzales | Youtube

Para sa aktres ay tahanan niyang ito, ang isa sa mga bunga ng kanyang pagsusumikap sa lahat ng kanyang trabahong ginagawa sa showbiz.

Si Erich Gonzales, ay isang popular na aktres sa Pilipinas, at maliban dito ay isa rin siyang modelo at endorser ng ilang mga kilalang produkto.

House Tour | Erich Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *