Dimples Romana, Ipinasyal ang mga Netizens sa kanyang Napakalaki at Napaka Gandang Condo Unit na Bunga ng Paganap Niya Bilang Si Daniela Mondragon

“Lahat ng tiniis kong sampalan dito napunta”, ito ang naging pahayag ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ng kanyang ipasilip sa madla ang napakagandang condo unit na naipundar niya.

Photo credits to the owner

Tunay ngang lahat ng pagsusumikap natin sa buhay ay mayroong magandang resulta, kagaya na lamang g aktres na si Dimples Romana na kamakailan lamang ay masayang ipinasilip sa publiko ang naipundar niyang condo unit na siya ngang bunga ng kanyang naging pagsisipag sa trabaho.
Hindi nga naman talaga makapaniwala ang Kapamilya actress na ngayon ay nagmamay-ari na sila ng kanyang pamilya ng isang maganda at malawak na condo unit sa Makati.

Photo credits to the owner

Ang naturang property na ito ng pamilya ay binili ni Dimples at ng kanyang asawang si Boyet Ahmee noong mga panahon na ginagawa pa ng aktres ang hit series na ‘Kadenang Ginto’ ng ABS-CBN.
Ayon nga kay Dimples, ay talagang malaki ang naging utang na loob niya sa nasabing teleserye, dahil sa karakter niya na ‘Dani Girl’ o Daniela Mondragon ay nabili nga niya ang pangarap na condo unit para sa kanyang pamilya.
“Napakalaki talaga ng utang na loob ko, of course, sa Dreamscape and my ABS-CBN family dahil itong property na ito ay nabili dahil kay Dani Girl!”, ani Dimples.

Photo credits to the owner

Kuwento pa ni Dimples, sa naturang property nilang ito napunta ang lahat ng kanyang pinagdaanan ng bigyang buhay niya ang karakter bilang si Daniela Mondragon, na isa nga sa mga kontrabidang karakter sa ‘Kadenang Ginto’.
“Dito [sa condo] napunta lahat ng pinagdaanan ko as Dani Girl.
“Lahat ng pagluha, pagtataray. Lahat ng pagsusungit. Lahat ng takbuhan, barilan. Lahat ng sampalan. Ayan, lahat ng tiniis kong sampalan, dito napunta sa property nito”, saad pa ng aktres.

Photo credits to the owner

Dagdag pa ng aktres, sa tuwing nakikita nga niya ang naipundar na condo unit ay talaga namang nano-nostalgic siya, lalo na kapag naiisip niyang ang pagiging sii Daniela Mondragon niya ang naging daan para mabili niya ang property.
Nang ipasilip naman ng aktres ang condo unit ay mapapansin na ito ay wala pang kagamitan, ngunit ayon nga sa kanya ay nakikita niya ang property niyang ito bilang kanyang ‘halway home’.

Photo credits to the owner

Ibinahagi din ni Dimples ang mga plano niya sa magiging pagpapaganda ng naturang condo unit, at ayon nga sa kanya ay ang nais niyang maging tema ng kulay nito ay white, bone white at cream white. Nais niya din na maging ‘super neautral’ ito.
Ayon naman sa mga ulat, mayroon na ring naipundar na naunang condo unit ang mag-asawang Dimples at Boyet na isang loft-type condo, ngunit hindi nga ito kasing ganda ng bagong condo na nabili nila ngayon na talaga namang nakamamangha ang panoramic view ng Makati City.
Nagbigay payo din si Dimples patungkol sa mahusay na pag-invest sa perang pinaghihirapan natin kitain.

Photo credits to the owner

“I think it’s very important… kapag meron tayo trinatrabaho, magkaroon tayo ng goal na ito ang particular things na gusto ko maabot o ma-achieve o mabili sa pera na gagamitin ko.
“Kasi, kadalasan, ang hirap pagka merong pumapasok na pera, ‘tapos hindi mo alam kung saan dadalhin. Ang nangyayari, kadasalan, napupunta lang sa luho.”

Talaga namang napakasarap sa pakiramdam kapag ang perang ating pinaghihirapang kitain ay napupunta sa mga bagay na alam nating mapakikinabangan natin at ng ating pamilya sa matagal na panahon.

CONDO Tour (💕AFTER renovation!😁)  Welcome! ❤️

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *