21-Anyos Na Estudyante, Naghatid Ng Inspirasyon Sa Madla Matapos Pagsabayin Ang Pag-aaral at Pamamasada ng Tricycle

Marami na nga ang nagpatunay ng kasabihang “Walang mahirap sa taong may pangarap”. Hindi nga hadlang ang kahirapan ng buhay sa taong may pangarap. Isa na namang kwento na puno ng inspirasyon ang ating matutunghayan sa buhay ng 21-ayos na estudyante, na sa kabila ng hirap ng buhay ay nagawa niya paring pagsabayin pag-aaral at pagtatrabaho para kumita ng pera.

CREDITS:Markiel Moriel| FB

Si Michael Jabal ay 21-anyos at ngayon nga ay nag-aaral bilang isang Grade 11 student. Hindi nag-atubili si Michael na ipagpapatuloy ang pag-aaral, at kasabay nga ng kanyang pag-aaral ay namamasada pa siya ng tricycle. Ang nakakainspire na kwento ni Michael ay nag-viral matapos makuhan ng video ng isang traffic enforcer na habang sumasagot ng kanyang assignment, ay naghihintay siya ng pasahero sa kanyang tricycle.

CREDITS:Markiel Moriel| FB

Ayon kay MMDA Markiel Moriel na kumuha ng video, ay humanga siya sa kasipagan ni Michael lalo na nga’t kasabay ng pagtatrabaho nito ay ang pag-aaral. Hindi biro ang pagsabayin ang pag-aaral at pamamasada ng tricycle. Ngunit, hindi nagpatinag si Michael sa pagod, kung saan nga ay makikitang determinado itong makapagtapos ng pag-aaral at kumita ng pera para makatulong sa kanyang pamilya.

Kwento nga ni MMDA Markiel, tuwing walang online class si Michael ay ginagamit nito ang oras sa pamamasada ng tricycle. At habang naghihintay naman ng pasahero na sasakay sa kanyang tricycle, ay doon naman siya sumasagot ng kanyang mga assignment.

“Nakaka-amaze naman itong batang ‘to kasi sa kabila ng nararanasang kahirapan sa buhay, nakukuha niyang pagsabayin yung online class then namamasada po siya,” pahayag ng MMDA na si Markiel.

CREDITS:Markiel Moriel| FB

Mulat na sa hirap ng buhay si Michael, at ito ang nagtulak sa kanya na magpursige sa buhay at makapagtapos ng pag-aaral. Napag-alaman naman na pareho nang matanda ang kanyang mga magulang kung kaya’t siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mapag-aral ang kanyang sarili. Ang pamamasada naman ng tricycle ang napili niyang pasuking trabaho, dahil ito ang alam at kaya niyang trabaho na pwedeng isabay habang siya’y nag-aaral.

Mataas ang pangarap ni Michael sa buhay, at ito nga ay maging isang sundo. Kaya naman, kahit gaano man kahirap ang buhay ay hindi siya sumuko. Bagkus nga ay gumawa siya ng paraan para matupad ang kanyang pangarap. Kaya naman, ang naisip nga ni Michael ay pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

CREDITS:Markiel Moriel| FB

“Habang nagkaklase po ako, mamasada po ako. Kapag may time po na wala pong pasahero, sumasagot po ako ng assignment,” saad ni Michael.

Sa maghapon ay kumikita si Michael ng P200 sa kanyang mapapasada ng tricycle. At ito nga ay hindi sapat para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, ngunit nagtatyaga at nagpapasalamat parin siya dahil kahit papano ay kumikita siya para sa kanyang pamilya at sa kanyang pangarap.

CREDITS:Markiel Moriel| FB

Sa kabila ng hirap na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral, ay nagpapasalamat naman si Michael dahil nakakaya niya itong gawin araw-araw. Malaki rin ang pasasalamat ni Michael sa mga taong nakakaunawa ng kanyang sitwasyon at hindi siya hinuhusgahan.

Marami namang netizens ang naantig ang puso at napahanga sa taglay na kasipagan ni Michael.

CREDITS:Markiel Moriel| FB

“Good job! Sa sipag mong yan nasisiguro akong matutupad mo rin ang mga pangarap mo. God bless.”

“I salute you iho, tama yan at magsumikap ka lang sa pag-aaral at trabaho, darating ang panahon na pagpapalain ka rin at giginhawa ang buhay mo.”

“Ito dapat ang tinutularan hindi bulakbol at nag-aaral parin ng mabuti kahit mahirap nagagawa pang magtrabaho.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *