Usap-Usapan na Boyfriend ni Nadine Lustre na Si Christophe Bariou Namataan na Buong Pusong Tumutulong sa mga Kababayang Nasalanta ng Bagyong Odette

Ilang linggo bago sumapit ang kapaskohan ay muling sinalanta ng napakalakas na bagyo ang ilang mga probinsya sa ating bansa. Noon nga lamang ika-16 ng Disyembre 2021, ay tumama ang bagyong Odette sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Photo credits to the owner|FB

Isa sa mga probinsya na talaga namang labis na nasalanta ng bagyog Odette ay ang probinsya ng Siargao, kung saan ay talaga namang marami sa mga hanapbuhay dito ng mga tao ang nasira dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala ng naturang bagyo.

Photo credits to the owner|FB

Matatandaan naman na ang usap-usapang humored boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou ay isang Founder at Managing Director ng Maison Bukana, isang boutique resort sa Sitio Lisob sa Siargao. Kung kaya naman isa si Christophe sa labis na naapektuhan sa sinapit ng Siagao, ang probinsyang nagsilbi niyang tahanan.

Photo credits to the owner|FB

Sa kabila ng isa rin ang kanyang negosyo sa naapektuhan rin dulot ng bagyo, ay hindi naman ito naging hadlang kay Christophe na buong pusong magpaabot ng tulong sa kanyang mga kababayan. Kahit nga may nararanasan ring hirap dahil isa rin siya sa naging biktima ng bagyo, ay pinili pa rin nga niya nga ang magpaabot ng tulong sa mga mamamayan ng Siargao na nangangailangan.

Photo credits to the owner|FB

Batid ng marami sa atin na talaga namang napakalakas ng Bagyong Odette, dahil ayon nga sa mga ulat ito ay nasa Category 5 na ng bagyo. Sa kabila nito, ay hindi natin insahan na labis na pananalasa ag mararanasan ng marami nating mga kababayan dahil dito.

Photo credits to the owner|FB

Makikita sa ibihaging mga larawan ni Christophe sa kanyang Facebook account ang ilan sa mga kuha sa iniwang bakas ni Bagyong Odette sa probinsya ng Siargao. Kalakip ng mga larawang ito ay ang caption na inilahad niya, kung saan ay ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumutulong sa mga taga-lokal sa isla upang malagpasan ang naging pagsubok na ito.

Photo credits to the owner|FB

“We are organizing now slowly and organizing evacuations and logistics for reliefs good with this incredible community we all love. Help is on its way. Thanks to all those working so hard to help the locals to get through this. Staying here to help us as mush as possible”, sambit niya.

Photo credits to the owner|FB

Tunay ngang napakabagsik ng Bagyong Odette at napakalaki ng naging pinsala nito sa ilang mga probinsya sa aing bansa lalo na nga sa Visayas at Mindanao. Ngunit sa kabila nga ng pagsubok na ito na pinagdaraanan ng marami nating mga kababayan ngayon, lalo na ang mga nawalan ng tirahan gawa ng bagyo, ay patuloy pa ring nanaig sa atin ang pag-asa na makakabangon silang muli basta mananaig sa atin ang pagtutulungan lalo na ngayong nalalapit na ang kapaskohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *