Tinaguriang ‘Aling Maliit’ na Si Ryzza Mae Dizon, Proud na Ipinasilip sa Publiko ang Ipinapagawa Niyang ‘Dream House’ na Para sa Kanyang Pamilya

Taong 2012 ng magsimulang makilala ng publiko si Ryzza Mae Dizon, o mas nakilala nga ng lahat bilang si ‘Aling Maliit’, ito nga ay matapos niyang magwagi sa ‘Litlle Miss Philippines’ ng Eat Bulaga. Sa kanyang pagkapanalo, ay nagbukas ang maraming oportunidad sa kanya sa mundo ng showbiz sa murang edad niya.

Credits:  Ryzza Mae Dizon | YT

Sa ngayon nga ay labing-anim na taong gulang na si Ryzza Mae, at mula sa pagiging isang bibo at kinagigiliwang bata noon, ngayon ay kilala na rin siya sa mundo ng telebisyon bilang isang aktres, host at TV personality. Isa na rin siya sa ikalawang pinakabatang host ng longest running noontime show na Eat Bulaga ng GMA-7.

Matatandaan na una niyang ipinamalas ang pagiging isa niyang mahusay na host ng magkaroon siya ng sarili niyang programa, at ito nga ay ang ‘The Ryzza Mae Show” na dalawang taon ding umere sa telebisyon, magmula taong 2013 hanggang 2015.

Credits:  Ryzza Mae Dizon | YT

Talaga namang hinangaan ng marami ang angking husay sa pagho-host ni Ryzza Mae, kung kaya naman gumanda ang takbo ng kanyang sariling programa. Dahil sa magandang takbo ng kanyang karera sa mundo ng showbiz, sa murang edad nga ay nakatulong na si Ryzza Mae sa kanyang mga magulang.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami, na kahirapan ang kinamulatang buhay ni Ryzza Mae, kaya naman noon pa man ay pangarap na niya na makaahon ang kanyang pamilya sa hirap. At dahil sa kanyang talento at pagiging bibong bata, ay ito nga ang naging daan niya, upang mabigyan ng katuparan ang maahon sa hirap ang kanyang pamilya at mabigyan ang mga ito ng isang maayos na matitirhan.

Credits:  Ryzza Mae Dizon | YT

Nito nga lamang nakaraan, ay masayang ipinasilip ni Ryzza ang ipinapagawa niyang ‘dream house’ para sa kanyang pamilya. At sa kanya ngang social media account ay ibinahagi niya ang larawan ng bahay na kanyang ipinapagawa.

“Under construction na po ang aming dream house”, ani Ryzza sa kanyang caption.

Credits:  Ryzza Mae Dizon | YT

Sa pagbisita sa site kung saan ipinapagawa ni Ryzza ang dram house nila, ay kasama nga niya ang kanyang pamilya. Ang dream house nga na ito nina Ryzza ay nasa Pampangga, kaya naman sa larawang ibinahagi ng 16-taong gulang na Eat Bulaga host ay masisilayan ang napakagandang view ng Bundok Arayat.

Ikinatuwa naman ng maraming tagahanga ni Ryzza at maging ng mga netizens ang panibagong milestone niyang ito.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *