Connect with us

Stories

Tatlong Taong Gulang na Bata, Ginulat ang Pamilya sa Mamahaling Laruan na Inorder Nito Online

Nakasanayan na ng karamihan na bumili ng kanilang pangangailangan sa mga online shops. Bukod sa napakadaling mamili sa mga online shops, halos lahat na rin ng pangangailangan ay makikita rito.

Photo credits to the owner

Karamihan nga sa atin sa nakakabili ng mga damit, appliances, at maging mga laruan para sa ating mga anak. Ngunit minsan ay may problema ring nararanasan sa online shopping. Paminsan-minsan ay may mga report ng scam. Kung minsan naman ay hindi maiiwasang paglaruan ng mga bata ang ating gadgets.

Ito na nga ang personal na naranasan ng isang nanay at online shopper. Ayon sa nanay ng tatlong taong gulang na si Nathan, nabanggit ng bata na gusto niyang umorder ng isang laruan ngunit dahil mayroon silang pinagkakaabalahan ay hindi na nila napansin ang sinabi ng bata. Nagulat na lang sila nang may dumating na order matapos ang ilang araw. Lalo pang ikinagulat ng nanay nang malamang ₱4,000 ang halaga ng order.

Photo credits to the owner

Agad naman silang nagduda at inisip na isa ito sa mga scam ngayon pero nang makita nila sa kanilang gadget na talagang mayroon silang inorder, labis na nanlumo ang nanay ni Nathan. Sinubukan rin niyang kausapin ang nagdeliver ng parcel na ibalik na lang ang laruan sapagkat napakamahal nito at aksidente lang ang order ngunit tumanggi ito dahil napakahirap umano ang pagdeliver niya rito.

Wala na ring nagawa ang pamilya ni Nathan kundi ang tanggapin at bayaran ang laruang motorcycle na binili niya. Bagamat napakalaki ng naibayad nila para sa laruan, wala silang magawa kundi ang tanggapin ang nangyari lalo na noong makita nilang masaya si Nathan sa bago niyang laruan. Itinuring na lang nila ito bilang maagang pamasko sa bata.

Photo credits to the owner

Dagdag pa nila, deserve naman niya ang bagong laruan dahil napakabait at malambing na bata raw si Nathan.

Bagamat naging maayos rin ang lahat sa huli, nagsisilbi pa rin itong aral para sa lahat ng magulang na mas maging maingat sa kanilang mga gadget.

Photo credits to the owner

Katulad ni Nathan, natural din sa mga bata ngayon na maging mausisa sa kung anu-anong bagay kaya naman sapat na pagbabantay rin ang kailangan upang masiguro na hindi na mauulit ang mga ganitong aksidente.

error: Content is protected !!