Sunshine Cruz, May Nakakaantig na Mensahe sa Partner Niya Ngayon na Si Macky Mathay na Isang Businessman

Isa sa mga aktres ngayon na may masaya at makulay na buhay pag-ibig ay si Sunshine Cruz, sa piling ng boyfriend niyang si Macky Mathay, isang businessman.

Credits: Sunshine Cruz | IG

Para sa kaalaman ng lahat, nakilala ni Sunshine si Macky, dahil sa kanyang kapwa aktres na si Ara Mina, sapagkat ito ay half-brother ni Ara.

Sina Sunshine at Macky, ay parehong nagkaroon ng kani-kanilang asawa noon, na nauwi ang relasyon sa hiwalayan. At sa pagtatagpo nga ng kanilang landas, ay nabuo ang magandang pagtitinginan at pag-iibigan, kung kaya naman ngayon ay tumagal na rin ng apat na taon ang relasyon ng dalawa.

Matatandaan na si Sunshine Cruz, ay ikinasal noon sa aktor na si Cesar Montano, kung saan ay nabiyayaan ng tatlong magagandang supling na panay babae ang pagsasama nila, at ito nga ay sina Angelina, Samantha, at Cheska na nasa pag-aaruga ng aktres, matapos nga nilang maghiwalay ng dating asawa.

Dati namang kasal si Macky kay Camille Farinas, at mayroon din siyang tatlong anak sa dating asawa, at ito naman ay sina Roan, Coline, at Charlize.

Credits: Sunshine Cruz | IG

Samantala, noon nga lamang nakaraang Father’s Day, ay nagbahagi si Sunshine ng isang nakakaantig na mensahe para sa boyfriend niyang si Macky. Ibinahagi ng aktres sa kanyang mensahe para sa boyfriend, kung gaano siya nagpapasalamat sa pagmamahal nito sa kanya, at pagiging ‘best figure’ father din nito sa kanyang tatlong mga anak na babae.

“My Macky! Happy Father’s Day! I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and to your children but to my three girls and pur dogs as well. Mag-aapat na taon na! [red heart emoji] Napakabuti mong tao”, saad ni Sunshine.

Ibinahagi rin ni Sunshine, kung gaano kabuting tao ang kanyang boyfriend na si Macky.

Credits: Sunshine Cruz | IG

“Punong-puno ka ng pagmamahal and because of that, umaapaw ang pagmamahal na yan at iyo ding naibabahagi sa mga tao na nakakasama mo maliban sa pamilya mo”, dagdag pa ng aktres.

Ipinaabot din ng aktres ang labis na pasasalamat niya kay Macky dahil sa pagiging ‘father figure’ nito sa kanyang mga anak na dalaga. At ipinagpasalamat din niya sa Diyos ang naging pagdating nito sa kanyang buhay.

“I couldn’t ask for more because my children are blessd to have the BEST father figure they could have. We are all blessed to be loved by you.”

Credits: Sunshine Cruz | IG

“I am truly grateful to God for sending someone like you in our lives. Salamat dahil tinanggap at minahal mo din kami ng mga anak ko”, ani Sunshine.

Ayon pa sa mensahe ni Sunshine, isang napakabuting ama ni Macky, lalo na nga sa mga sarili nitong anak.

“Happy Fathers’s Day. Napakabuti mong ama kina Charlie, Roan and Colin and again thank you for loving Angelina, Sam and Chesca too. May God bless you more! We love you my Macky! [red herart emoji] #fathersday2020”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *