Sila Ang Mga Sikat Na Celebrities Sa Showbiz Na Taglay Ang Kahanga-hangang Kagandahan Kahit Walang Bahid Ng Make Up Ang Mukha

Pagdating nga sa pagkakaroon ng maganda at natural na kagandahan ay hindi magpapahuli ang taglay na ganda ng mga Pinay. At marami nga sa industriya ng showbiz ang nagpapatunay na taglay nila ang kahanga-hangang kagandahan.

Marahil ay puhunan na nga ng mga artista ang taglay nilang ganda, kaya naman hindi talaga mawawala ang paglalagay nila ng make up sa kanilang mukha. Ngunit, hindi naman maikakaila na may mga artista na taglay parin ang kahanga-hangang kagandahan kahit walang bahid ng make up ang kanilang mukha.

Beauty Gonzales

Photo credits to the owner

Ang aktres na si Beauty Gonzales ay talaga namang taglay ang kahanga-hangang kagandahan. Ngayon ay 30 taong gulang na ang kilalang aktres at kahit walang bahid ng make up ang kanyang mukha ay nangingibabaw parin ang kanyang natural na ganda. Unang nakilala si Beauty nang sumali sa reality show na Pinoy Big Brother sa Teen Edition Plus nito at nabansagang Rebelious Beauty. Hindi man nagwaging grand winner, ay nakuha naman niya ang 4th grand placer.

Loisa Andalio

Photo credits to the owner

Ang 22 taong gulang na si Loisa Andalio ay isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Hindi naman maikakaila na taglay ni Loisa ang gandang natural na hinahangaan ng marami kahit walang make up.

Ryza Cenon

Photo credits to the owner

Kahit nga isa nang ganap na ina sa kanyang napakacute na anak na si Baby Night, ay masisilayan parin sa aktres na si Ryza Cenon ang kanyang taglay na kagandahan.

Coleen Garcia

Photo credits to the owner

Hindi naman talaga nakakasawang pagmasdan ang napakaganda at napakaamong mukha ng aktres na si Coleen Garcia. Ngayon ay isa na ring ina si Coleen kay Baby Amari na anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford. Sa kabila ng pagiging isang hands on mommy ay nagawa paring mapanatili ni Coleen ang kanyang natural na kagandahan.

Elisse Joson

Photo credits to the owner

Marami rin ang nahuhumaling sa kahanga-hangang kagandahan ng aktres na si Elisse Joson. Ang 25 taong gulang na si Elisse ay taglay ang natural na ganda kahit na walang make up. Tila mas naging blooming ang aktres sa piling ng kanyang partner na si McCoy de Leon at kanilang anak na si Felize.

Pia Wurtzbach

Photo credits to the owner

Hindi naman na nakapagtataka kung bakit si Pia Wurtzbach ang kinoronahan bilang Miss Universe 2015. Sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan ay talaga namang marami ang humanga. At kahit nga na walang make-up ay litaw na litaw parin ang kanyang natural na ganda.

Lovi Poe

Photo credits to the owner

Hindi naman magpapahuli ang aktres na si Lovi Poe. Ang kanyang pagiging morena nga ang nagpapatunay ng kanyang natural na ganda. May make up man nga o wala ay hindi maipagkakaila na sadyang napakaganda ni Lovi.

Jessy Mendiola

Photo credits to the owner

Sa taglay na ganda at kaseksihan ni Jessy Mediola ay walang duda na kabilang siya sa listahan ng mga Pinay celebrities na taglay ang kahanga-hangang kagandahan kahit walang make up.

Catriona Gray

Photo credits to the owner

Ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay talaga namang natural na natural ang gandang taglay.

Photo credits to the owner

Isa nga sa nangunguna pagdating sa may pinakamagandang mukha ay ang aktres na si Liza Soberano. Sa kanyang maamo at magandang mukha ay napaibig niya ang aktor na si Enrique Gil.

Photo credits to the owner

Wala namang duda na taglay nga ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mala-dyosang kagandahan. At masasabi na kahit walang bahid ng make up ang kanyang mukha ay mangingibabaw parin ang kanyang natural na kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *