Sila Ang Mga First Time Daddy Na Naisakatuparan Ang Pagiging Ama Habang Nasa Gitna ng Quarantine

Marami sa atin ang nakaranas ng matinding hirap dahil sa pandemya. At para nga malunasan ang paglaganap ng nakakahawang sakit, ay ipinatupad ng gobyerno ang quarantine. Ang pagkakaroon nga quarantine, ay tila isang “blessing in disguise” dahil marami ang nabiyayaan ng supling habang nasa gitna ng quarantine at pananatili sa loob ng bahay.  Ating kilalanin ang mga first time daddy na naisakatuparan ang pagiging isang ama habang nasa gitna ng quarantine.

Carlo Aquino

Photo credits to the owner

Ang aktor na si Carlo Aquino ay ginulat ang publiko matapos niyang ianunsiyo na isa na siyang ganap na ama sa anak nila ng kanyang girlfriend na si Trina Candaza. Isinilang ni Trina ang kanilang napakacute na baby girl na Enola Mithi noong nakaraang buwan ng Setyembre. Magmula nga ng dumating si Enola ay talaga namang napakahands on bilang daddy ni Carlo. Madalas rin niyang ibahagi ang cute ang adorables photos ng kanyang anak sa social media.

Billy Crawford

Photo credits to the owner

Matatandaan na noong May 2020 ay masayang ibinahagi ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na sila’y magkakaroon na ng anak. At noong September 2021 nga ay masayang sinalubong ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang anak na si Amari. At bilang isang first time dad, ay walang sinayang na oras si Billy para makasama ang kanyang anak.

Markus Paterson

Photo credits to the owner

Naeenjoy naman ngayon ni Markus Paterson ang pagiging ama sa anak nila ni Janella Salvador na si Baby Jude. Matatandaan na noong January 2021 nang ipakilala sa publiko ni Janella at Markus si Baby Jude.

Vin Abrenica

Photo credits to the owner

Noong nakaraang pagdiriwang ng Valentines day nang ianunsiyo sa publiko nina Vin Abrenica at Sofia Albert na sila’y malapit nang maging magulang sa kanilang panganay na anak. At nang sumunod na buwan ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ng kanilang anak na siyang bubuo ng kanilang pamilya. Isang napakacute na baby girl ang ipinagkaloob sa kanilang pagsasama.

Jhong Hilario

Photo credits to the owner

Ikinatuwa naman ng marami dahil natagpuan na ni Jhong Hilario ang babaeng magmamahal sa kanya ng totoo. Ito ay kanyang natagpuan sa kanyang long time girlfriend na si Maia Azores na 9 na taon na niyang karelasyon. At sa pagdating nga ng kanilang panganay na anak na si Baby Sarina noong nakaraang buwan ng Marso, ay talaga namang walang pagsidlan ng tuwa ang dalawa. Kahit na maraming pinagkakaabalahan si Jhong ay naglalaan parin siya ng oras para makasama ang kanyang anak. At hindi naman maikakaila na isang uliran at mapagmahal na ama si Jhong sa kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *