Ogie Diaz, Kinumpirma ang Pagbubuntis ng Singer na Si Angeline Quinto

Singer-actress na si Angeline Quinto, kumpirmado na ang pagbutuntis.

Credits: Angeline Quinto | IG

Noon lamang nakaraang buwan ay kumalat ang usap-usapan na nagdadalang-tao ang mahusay na mang-aawit na si Angeline Quinto. Matatandaan na noon rin sa isang panayam ay nainihayag ni Angeline na may nagpapatibok sa kanyang puso, at ito nga ay ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Ang usapin naman na ito patungkol sa mang-aawit ay nabigyan na ng linaw, matapos ngang kumpirmahin ng Entertainment Columnist na si Ogie Diaz na nagdadalang-tao nga ang Kapamilya star na si Angeline Quinto.

Credits: News 5

Mapapanood ang kumpirmasyon na ito ni Ogie sa kanyang isang vlog, kung saan ay ibinahagi niya na si Angeline ay 5-months ng preggy.

Ayon kay Ogie nalaman niya ang patungkol sa pagbubuntis ng Kapamilya star sa isang kaibigan na ‘common friends’ nila. At dito nga niya napag-alaman na 5-months preggy na ang singer, at baby boy umano ang magiging anak nito.

“Kasi may common friend kami ni Angeline na nag-chika sa akin na five months ng preggy sa isang non-showbiz at lalaki ang first baby. Yehey,” ani Ogie

Nang mabanggit naman ng co-host ni Ogie na si Mama Loi ang salitang ‘sana totoo’ na ang tinutukoy nga ay ang pagbubuntis ni Angeline, ay agad naman itong sinagot ni Ogie na talagang totoo, ang kumakalat na tsismis ngayon na ang Kapamilya star ay buntis at ang ama nga ay ang non-showbiz boyfriend nito.

Kilala sa Pilipinas bilang isang mang-aawit at aktres ang 32-taong gulang na si Angeline Quinto. Ang kanyang singing career at nagsimula ng siya ay manalo sa Star Power: Search For The Next Female Pop Superstar noong taong 2011. Siya ay napapanood nadin sa ASAP tuwing araw ng Linggo, na umaawit bilang miyembro ng grupong DIVAS.

Credits: Angeline Quinto | IG

Samantala, ilang araw lamang matapos ang naging pagkumpirma ni Ogie Diaz ng pagbubuntis ni Angeline Quinto, ay nagkaroon na nga ng ekslusibog panayam ang Kapamilya Star kay Tito Boy Abunda, at dito nga ay matapang na kinumpirma ng singer-actress ang kanyang pagbubuntis.

“At pangalawa po kasi, magiging nanay na rin ako”, saan ni Angeline bilang kumpirmasyon sa pagdadalang-tao niya.

Marami namang mga netizens, tagahanga at mga kaibigan ni Angeline ang nagpaabot ng kanilang kasiyahan para sa panibagong ‘journey’ na ito sa buhay ng mang-aawit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *