Nikki Valdez, Proud Mom sa Kanyang Anak sa Kabila ng Pagkakaroon Nito ng Deformity

Tunay nga naman na sa buhay ng tao ay hindi sukatan ang kakayahan at abilidad ng isang indibidwal base sa kanyang pisikal na anyo. Ito ang pinatunayan ng ilang tao, na sa kabila ng pagkakaroon ng kakulangan sa katawan o di kaya naman ay kakayahan ay hindi naman nila hinahayaan na maging dahilan ito upang bumaba ang tingin nila sa kanilang sarili.

Lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang aktres na si Nikki Valdez ay isang proud mommy sa kanyang anak na si Olivia, ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon ng anak niya ng deformity ay hindi naman nito hinahayaan na maapektuhan nito ang kanyang buhay at kakayahan.

Tinatawag na Syndactyly o ‘baby hand’ ang deformity ni Olivia, kung saan ayon sa pag-aaral, ito ay isang uri ng birth defect na dalawa o higit pang mga daliri sa kamay ang hindi naghiwalay, habang ang isang sanggol nga ay nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Base pa sa mga pagsisiyasat, sa dalawang libong ipinapanganak sa mundo ang nagkakaroon ng deformity.

Pag-amin ni Nikki, nung una niyang malaman na ang kanyang isisilang na sanggol ay may baby hand ay nakaramdam siya ng takot, ngunit kalaunan ay agad naman itong napalitan ng pasasalamat at saya ng masilayan at maisilang na nga niya ang kanyang anak.

“As Limb Differences Awareness Month come to a close, let me not forget to celebrate you, my Love! Year after year, you show greatness in what you do and that alone makes me proud to have you as my daughter. What was once just fear and anxiety over a diagnosis of your ‘baby hand’ is now replaced and filled with pride, happiness and gratefulness.”

Pagbabahagi pa ng aktres, ang kundisyon ng kanyang anak na si Olivia ang nagturo sa kanya maging matatag at tanggapin kung ano man ang mayroon tayo sa ating buhay. Ipinagpapasalamat din umano niya ang pagdating ng anak niyang si Olivia sa buhay nila dahil ito ang nagsilbing ilaw sa kanilang buhay.

“Thank you for being the light in our lives and for showing us most specially me how it is to be strong and to accept what we have”, ani Nikki.

Dagdag apa ng aktres ay ang naging pagpapahayag niya ng pagmamahal sa anak niyang si Olivia.

“Anak, please know that you were made with do much love and that being born different only means you were destined to make a difference. I love you with all that I am.”

Matatandaan noong Mother’s Day ay nagbahagi si Nikki ng mga ‘sweet moments’ nila ng anak niyang si Olivia. Makikita nga sa mga naging post ng aktres kung gaano mapagmahal at mabait ang kanyang anak.

Sa kabila naman ng kundisyon ni Olivia, ay masasabi namang napakatalentado niyang bata, sapagkat sa isang video ay kanyang ipinakita ang husay niya sa pagsasayaw at pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *