Neri Naig, Agad na Nilinaw sa mga ‘Marites’ ang Tungkol sa Kanilang Anak na Si Pia

Agad na pinag-usapan ng mga netizens ang larawan na ibinahagi ni Neri Naig sa kanyang social media account na kalakip ang kanyang naging 7th anniversary message para sa kanyang asawang si Chito Miranda. Ito ay dahil sa ‘family photo’ na ibinahagi ng wais na misis, ay makikita ang isang batang babae na hind inga pamilyar sa mga netizens.

Credits: Chito Miranda | IG

Batid naman ng marami na ang mag-asawang Neri at Chito ay mayroong dalawang anak na lalaki, kung kaya naman talagang naging palaisipan sa mga nakakita ng nasabing family photo, kung sino ang batang babae na kasama ng pamilya.

Nito nga lamang nakaraan ay nagdiwang ng kanilang ika-7 taong anibersaryo ang mag-asawa, kung kaya naman bilang pagunita sa anibersaryo nila ay nagbahagi si Neri ng mensahe ng pagbati para sa mister niyang si Chito at nilakipan niya ito ng kanilang family photo.

“Happy 7th year wedding anniversary, Dad! I love you so much!

You are the best Dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa.

Credits: Neri Naig | IG

Thank you for making us happy EVERYDAY. Palagi mo kaming pinapatawa at hindi mo nakakalimutang ipakita kung gaano mo kami kamahal.

SEVEN YEARS NA? WOW! matibay tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita!!”, ang naging IG post ni Neri.

Hindi inasahan ni Neri na mababahiran ng intriga ang larawan na kanyang ibinahagi kalakip ng mensahe niya para sa asawa.

Credits: Neri Naig | IG

Iba’t iba agag ang naging espekulasyon ng mga netizens kung sino ang batang babae na kasama ng pamilya sa larawan. Ang iba ay sinabing kapatid umano ito ni Neri, at ang iba naman ay nagsasabing ang naturang bata ay anak ni Chito Miranda sa ibang babae.

Samantala, upang mahinto na ang kung ano-ano pang mga sinasabi ng mga netizens, ay nagbigay ng kanyang pahayag si Neri paukol sa di umanoy sinasabing anak sa ibang babae ng mister niyang si Chito.

“At sa mga Maritess, Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na yan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento.”

Credits: Neri Naig | IG

Paglilinaw ni Neri, ang batang babae na kasama nila sa larawan ay ang kanilang anak na si Pia. Dagdag pa niya, lahat ng bata ay may karapatan na bigyang pagmamahal at sarili nilang tahanan.

Ang mag-asawang Neri Naig ay mayroon ngang dalawang anak na lalaki, ito nga ay sina Miggy at Manuel, at ngayon nga ay batid na ng marami sa atin na may bagong miyembro ang pamilya nila, at ito ay ang anak nilang si Pia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *