Palapit na, ng palapit ang araw ng Pasko, at sa ating paligid nga ay ramdam na rin natin ang kapaskohan, lalo na’t ilang mga tahanan na rin ang nakikitaan natin ng mga palamuti at dekorasyon na sumisimbolo sa diwa ng Pasko.
Credits: Vicki Belo | YT
Hindi naman nagpahuli ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa pag-flex ng pangunahin nilang dekorasyon para sa Pasko, at ito nga ay ang kanilang malaki, maganda at makulay na Christmas Tree na ngayong taon nga ay may temang mala-Fairytale dahil sa mga palamuti nitong fairy.
Sa kanyang vlog ay ibinahagi ni Dra. Vicki Belo na naging tradisyon na ng kanilang pamilya ang magkaroon ng ‘extravagant tress’ taon-taon tuwing nalalapit na ang Pasko, magmula nga ng kanyang isinilang ang anak nilang si Scarlet Snow.
Credits: Vicki Belo | YT
“I’m enjoying it as much as Scarlet, and we want Christmas to be a bit magical”, saad ni Dra. Vicki Belo.
Madalas ngang ang taon-taong Christmas Tree ng pamilya nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay dinedesnyo ni Stephen Brown mula sa world-renowned decoration studio na Glitterville. Ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemya, ay hindi nito nagawang tumungo sa ating bansa, kaya naman mas minabuti nina Dra, Vicki Belo at Hayden Kho na ipagkatiwala ang kanilang magigig Christmas tree ngayon sa local event stylist na Key Design.
Credits: Vicki Belo | YT
Labis nga ang naging kasiyahan ng mag-asawa at ng anak nilang si Scarlet Snow Belo sa napakagandang kinalabasan ng Christmas Tree nila ngayong taon na ang tema nga ay mala-fairytale.
Ang Christmas tree nga na ito ng pamilya ay hindu tulad ng mga madalas nating nasisilayan na regular Christmas Tree na may mga dahon na sinasabitan ng mga bola-bolanng kulay pula o silver. Napaka-espesyal kung titingnan ang Christamas tree nila Dra. Vickie Belo dahil sa nakukulayan at may disenyo ito ng mga pastel-hued macarons, cotton candy sticks at mga ice cream cones na talaga namang nagpatingkad pa dito lalo. Makikita rin ang mga magaganda at naglalakihang unicorn figurine sa tabi ng kanilang Christmas tree.
Imbis na ang nakasanayang ‘star’ ang makikita sa tuktok ng Chritmas tree, ay isang ‘adorable sugar plum fairy figurine’ ang matatana sa itaas ng napakagandang Christamas tree. Bawat bahagi nga ng nasabing Christmas Tree ay talaga namang pinuno ng mga makukulay na disenyo na base na rin sa tema nito na Fairy-themed.
Maliban sa pagbabahagi ni Dra. Vicki Belo ng kanilang maganda at makulay na Christmas Tree sa kanyang vlog , ay ibinahagi rin niya ang naging pagtungo nila sa flea market at ang naging pagbisita nila sa “Marie Kondo of the Philippines.”