Momshie Karla Estrada, Hindi Napigil ang Maging Emosyonal ng Alalahanin ang Hirap ng Buhay na Pinagdaanan Noon ng Kanyang Pamilya

Sa bawat nakikita nating tagumpay ng isang tao, minsan sa likod nito ay isang kuwento ng naging kahirapan ng buhay nila bago pa man nila nakamit ang buhay na maayos at masagana. Tulad na lamang nga nito ng kuwento ng buhay noon ni Momshie Karla Estrada ng programang ‘Magandang Buhay’ ng Kapamilya network.

Nang muling alalahanin ni Momshie Karla Estrada ang naging mahirap na buhay nila noon ng kanyang pamilya, ay hindi nga niya napigilan ang maging emosyonal.

Nito lamang nakaraang araw ng Linggo, ika-12 ng Disyembre taon ng kasalukuyan ay naging panauhin ang akktres at TV host na si Karla Estrada sa digital talk show ni Toni Gonzaga na “Toni Talks.” Dito na nga muling inalala ni Karla ang dinanas na kahirapan noon ng kanyang pamilya, kung saan ay hindi nga niya napigilan ang maging emosyonal.

Naikuwento ni Karla na noon ay talagang dumanas siya ng hirap, kung saan talagang problema niya kung paano ang pangkain nila araw-araw ng kanyang pamilya. Dagdag pa ng aktres, tila nga talagang nasubukan ng mga panahong iyon ang katatagan niya sa buhay, kung saan ay talagang iginapang niya ang kahirapan maitaguyod at mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kanyang mga anak.

“Hindi naman magiging masarap yun kung ganun kadali yun eh so ginapang talaga. I was really tested, hindi lang yung sa panganganak, pati yun sa pang-araw-araw. San ka kukuha?” saad ni Karla.

Ibinahagi pa nga ng ina ni Daniel Padilla, na dahil sa kahirapan nila noon ay naranasan nila ang maputulan ng kuryente. Ayon pa sa kanya, dahil sa walang kuryente, ay nagsalitan sila ng panganay niyang anak na si Daniel sa pagpapaypay sa mga nakababata nitong kapatid.

Kuwento pa ni Karla, may pagkakataon nga na ‘yon na nagising siya at pinalitan niya sa pagpaypay si Daniel sa mga kapatid nito, at ng tumalikod na nga ang panganay na anak ay narinig niya ang nagging paghikbi nito, at sa pagbabalik ala-ala nga ng pangyayaring ito ay hindi napigil ni Karla ang maluha

“Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod, gumanon na siya pero narinig kong humikbi”, paglalahad ni Karla na hindi napigil ang pagtulo ng kanyang luha.

Itinanong naman ni Toni kay Momshie Karla kung nagkaroon ba ito ng pagkakataon na maitanong sa panganay na anak na si Daniel ang dahilan ng naging paghikbi nito ng mga panahon na ‘yon. Ngunit ayon nga kay Karla, hanggang sa ngayon ay hindi niya alam ang dahilan ng paghikbi noon ni Daniel, at ibinahagi din niya na hindi niya na rin sinubukang tanungin ang panganay na anak dahil ayaw niyang tanungin ito ng bagay na batid niyang maaring magpalungkot dito.

“Hanggang ngayon di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong yung anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa,” saad nito.

Nakaranas man ng kahirapan sa buhay, ngayon naman ay tinatamasa ni Karla at ng kanyang mga anak ang isang maganda at kumportableng buhay dahil na rin sa pagsusumikap niya, at ng panganay niyang anak na si Daniel.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *